Chapter 11

262 10 7
                                    

Chapter 11 :

Calliope's POV

"O sya, limang minuto nalang ang nalalabi mo. Baka magalit ang prof mo." I said without looking at her. Busy kasi ako sa pag-twitwiiter.

Ako? Wala yung prof namin, may seminar. Kaya eto ako, hayahay ang buhay. 3 hours ang vacant, 3 hours na nganga din. Gusto kong mag-stay sa office ni Stanley, kaso wala pa sya. Wala ata syang klase sa umaga? Not sure. Tsaka, mamaya pa Math namin. Baka mamaya pa sya dumating.

"Okay, sige. Iwan nakita na dyan, bye." Shelby said at nag-wave sa'kin.

Hay. Jusko, ang hirap talaga pag maganda! Walang ka-close. Oo, isa palang ang kinakausap ko sa room namin, si Zara palang. Hindi kasi ako nakikipag-close sa sakanila. Tsaka, duh. Bakit ako ang lalapit? Edi sila ang lumapit!

Tss. Si Shelby, Zara at Stanley lang naman ang nakakausap ko, wala ng iba. Silang tatlo lang. Si Zara naman minsan sarap i-untog sa pader! Laging sa library nakatambay! Jusko. Si Shelby naman, nakakatamad kausap dahil puro saloobin sa twitter ang kwento. At si Stanley naman, sobrang nakakatamad kausap, pero matino naman kung sumagot! Kung papapiliin ako sakanila, malamang sa malamang, si Stanley ang pipiliin ko.

Sya talaga? Ewan ko lang ha?

"Hindi ka pa ba dadating? Wala akong makausap.." Kausap ko yung fone ko. Oo, yung fone ko. Kahit na ramdam na ramdam ko na ayaw nya akong kausap, pinipilit ko pa din yung sarili ko. Kahit na sobra nya akong sungitan, gusto ko pa din syang kausap.

Nababagot ako, kaya lilibutin ko nalang 'tong buong Easton. Limang buwan na ako dito, pero ni minsan hindi ko naisipang libutin man lang 'to. Hindi ko man lang naisipang tuklasin pa ang ganda ng University na 'to. Pa'no, wala naman akong kasama.

E ba't kasi ang drama ko?

Nakakapagod. Kanina pa ako naglalakad, mas lalo lang tuloy akong napagod. Ng makarating ako sa Big Building na ito, which is yung usap-usapan sa room ng mga mahaharot kong kaklase na marami daw gwapo dito sa Building na 'to. Psh. Sabi naman ni Zara, maganda daw sa Building na 'to dahil kitang-kita daw ang kalawakan ng University. Tapos si Shelby naman, wag daw akong pumunta dito dahil baka daw ma-rape ako ng wala sa oras. Loko talaga!

Pero hindi ko pa man nasisilayan ang buong ganda ng Big Building na ito e may um-epal nanaman, agad-agad.

"Hi, Calliope."

Ano nga bang pangalan neto? Nabanggit sa'kin ni Stanley yun kahapon e. Tss. Bakit ko ba inaalala? E sino ba 'tong hinayupak na 'to para alalahanin? He's nothing but a bitch!

Hindi ko nalang pinansin at dire-diretsong naglakad. Pero sa kasamaang palad, hinarang ako ng dalawang bugok na 'to!

"Ano ba!" I almost shouted.

"Hep. Hep. Hep. Please lower your voice Calliope. Baka marinig nila tayo, maudlot pa 'tong gagawin ko sa'yo." Nakaramdam naman ako ng kaba dun sa sinabi nya. Ano bang trip nya sa buhay? Ba't ba lagi nalang ako?! Alam kong maganda ako, pero, puh-lease, nakakapagod.

"Aalis na ako!" Pero hindi pa din ako nakaalis dahil sa dalawang 'to.

"Agad-agad? Hindi ka pa nga nakakatagal, at hindi pa nga tayo nagkakasama ng matagal aalis ka na agad? Sayang naman ang inilakad mo. Dapat man lang tinext mo nalang ako na pupuntahan mo ako dito, e di sana, hindi ka napagod." Kapal.

Taenang lalake 'to! Lakas ng fighting spirit! Akala mong gwapo, mukha namang paa ni Stanley! Oo, paa lang sya ni Stanley!

"Sorry. Pero hindi ikaw ang pinunta ko dito,"

"Sus!" Umiling ito at saka lumapit sa'kin, as in super lapit. "Bakit kasi ayaw mo pang aminin na may gusto ka sa'kin? Na stalker kita? Sige na, hindi naman kita lalayuan, mas mamahalin pa kita." Err. Hindi ba sya nasusuka sa mga pinagsasasabi nya? Kasi ako, sukang-suka na! Pati sa pag-mumukha nya!

Itunulak ko sya, at agad na dumistansya sakanya. "Excuse me? Ba't ba ipinanganak kang mahangin? Kahit kailan, hinding-hindi ko gugustuhin na makasama ka! Because you're nothing, but a big bitch in my life! So get lost!" Nakita ko ang pagkainis sa mukha nya, kaya alam kong hindi papatalo 'tong bruhong 'to.

"Iniinis mo talaga ako ano?" I just rolled my eyes. Wala akong pakialam sakanya!

"Calliope, iba ako magalit. Kaya umayos ka. Wag mo akong sagarin," Sya pa ang galit?! Ako nga dapat ang magalit sakanya! Kapal ng mukha!

"Ikaw pa ang ganyan? Ako nga dapat ang magalit dahil sa kahanginan mo!" sigaw ko sakanya, at mukhang nasagad ko na ang pasensya na.

"What the fuck,"

At nagulat ako sa ginawa nya, dahil hinigit nya ako papalapit sakanya at isinandal sa may pader. Ikinulong nya ako gamit ng bisig nya. Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Shit!

"Sige! Subukan mo lang gawin yang iniisip mo sa'kin!"

"Sinagad mo ako, Calliope. Sabi ko naman sa'yo, hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sa'yo." He whispered through my ears. Fuck! Help me please.

Pinilit kong makawala, pero hindi ko kaya dahil hindi hamak na mas malakas sya kaysa sa'kin. Tinulak ko sya ng paulit-ulit pero wala lang.

"Just let me kiss you Calliope," palapit na sya ng palapit ng bigla itong huminto, "No, I'm not satisfied with it. How 'bout..." tumingin ito sa mga mata ko at ngumiti ng parang demonyo, "Romance in bed?"

I slapped him. "Fuck you!"

Napahawak sya sa mukha nya at galit na tumingin sa'kin, "Ikaw ang kauna-unahang babaeng sumampal sa'kin! Kaya pag-babayarin kita sa ginawa mong 'to," He got angry and pushed me against the wall hard, and grabbed my swinging fist.

Hindi ako makagalaw, but I was damn right trying! Hindi sya ang kauna-unahang lalake ang makakahalik sa labi ko. At hindi ko sya hahayang mahalikan ako! Never!

His hard, warm body was like a brick wall against mine, not allowing me to struggle. Naiiyak na ako. I growled loudly. At doon ko lang napansin na wala na yung dalawang bugok! Fuck! Iniwan nila kami.

Fuck! Please, iligtas nyo po ako sa demonyong ito na walang ginawa kung hindi magisip ng kabastusan at kung anu-ano! Mukhang wala na akong magagawa, no one can hear me kahit pa na magsisgaw ako dito. Sya na, sya na nga yata ang magiging first ko. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.

"Fuck you..." mangiyak-ngiyak kong sambit. Napapikit nalang ako.

He was about to kiss me, pero naudlot..

"Aaaaaaa."

-----------------------------------------

VOTE | COMMENT

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon