Chapter 5

341 9 4
                                    

Chapter 5 

"Hayy. Sabi agahan daw, pero siya naman 'tong late." naka-poker-face na sabi ni Stanley habang cool na cool ang pag-upo sa bench dito sa waiting shed. 

Sabi ko kasi 8:00 am kami magkikita. 9:00 am na akong nakadating! Eh kasi naman, nakalimutan kong i-charge yung phone ko kagabi. Ngayon umaga ko lang naalala kaya hinintay ko pang ma-full-charge. 

"Sorry naman! At least dumating pa ako!" mataray kong sabi. 

He stood up and said, "Mag-bus tayo, ayoko ng jeep." 

"Bus?" 

"Mmm. Bus. B-U-S. Ayoko mag jeep, masyadong public. Baka may makakita sa'tin." He said without looking at me. Seriously? Hindi ba siya marunong mag-eye-to-eye-contact? Ni hindi man lang niya ako ginreet ng Good morning. 

"Saturday kaya ngayon!" sigaw ko dito. 

"Kahit na." tipid na sagot nito. 

Bigla nalang akong napangiti. Ang guwapo niya kasi sa suot niya, mas nag mukha siyang bata. Although, mukha naman talaga siya bata. Pero MAS nag-mukha siyang bata. Ngayon ko lang siya nakita nag-suot ng pang bagets na suot. Pormal kasi lagi ang suot niya. Kaya medyo naninibago ako. 

[Yung outfit ni Stanley at Calliope nandoon sa may right side :) ] 

"Miss sasakay ka ba?" Bumalik ako sa katinuan ko nang may nagsalita. Napatingin naman ako dun sa nagsalita, yung konduktor pala. "Oo. May kasa―" natigilan ako ng mapansin kong wala na siya sa tabi ko. 

"Yung kasama niyo po ba? Kanina pa po nakapasok." nakangiting sabi nito. 

Seriously? Hindi man lang ako ininform na sasakay na pala siya? Grabe talaga! Ang sarap niyang sapukin at sipain! Pumasok na ako sa loob at agad na hinanap siya. Medyo maunti palang yung pasahero kaya mabilis ko siyang nahanap. Nasa gitna kami. 

Padabog akong umupo sa tabi nito. "Grabe lang! Nakakahiya! Hindi mo man lang ako ininform na nakasakay ka na pala?" I said sarcastically. 

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon