Chapter 17
(Shiela Datiles on the right side)
"Morning," bati sa'kin ni Stanley na kasalukuyang nakatayo sa harapan ko at may hawak na tray. Nilapag nya yung hawak nya sa table at umupo sa may sahig. "Mushroom soup, orange juice, tsaka gamot mo. Kumain ka muna," sabi nya habang inaalis sa tray isa-isa yung mga sinabi nya.
Napatulala nalang ako sakanya. Hindi pa din pala sya umaalis. Teka, ano bang araw ngayon? Tiningnan ko yung fone ko. Saturday pala ngayon. Wala ba syang klase ngayon kahit sabado?
"Wala kang klase?"
"Hindi ba obvious? Kumain kana nga lang." Tss. Sungit talaga! Kaya ayokong mag-tanong e.
I rolled my eyes. Bumangon na ako at umupo din sa sahig katulad nya. Pareho kaming naka indian sit. Tahimik lang ako habang kumakain, tahimik nya din kasi e. Nakakahiya naman sakanya. Pero hindi ako makatiis na hindi mag-salita.
"Bakit hindi ka pa umalis habang tulog ako?" I said without looking at him.
"Sinabi ko na kahapon ang rason, hindi ko na uulitin pa. Bahala ka kung hindi mo narinig." Nakakaimbyerna talaga 'tong lalakeng 'to! Nagtatanong ng maayos, tapos kung sumagot, pabalang na ewan.
"Ikaw ba nag-luto nito?"
"Obvious naman siguro na ako. Lumabas ako kanina habang tulog ka. Bumili lang ako ng ingredients para sa soup."
"Nag-order kana lang sana para hindi kana nahirapan."
"May magagawa pa ba ako? Nagawa ko na e, hayaan nalang." Nakakainis talaga yung sagot nya! Wala sa ayos e! Nakakaimbyerna. Pero masisisi ko ba sya?
Ng matapos akong kumain, hinugasan nya ulit yung pinagkainan ko. Sabi ko nga ako na, kaso ayaw nya naman. Mag-pahinga nalang daw ako para mapa-bilis daw yung paggaling ko. Nakaupo ako sa couch habang pinapanood sya. Tapos na syang mag-hugas, inaayos nya yung sarili nya. Mukhang aalis na sya.
"Kailangan ko ng umalis," Tumango lang ako kahit na labag sa'kin yung sinabi nya. "Pinost ko na dito sa ref yung oras ng pag-inom ng gamot mo para hindi mo makalimutan." Tumango lang ulit ako.
BINABASA MO ANG
Falling For My Professor
Teen FictionI slowly became fond of my male professor. At first I thought it was just a lust. A simple 'crush' that would go away with time. I was wondering if I should proceed and tell him how I feel or just leave it alone. ...