Chapter 9

263 9 9
                                    

Chapter 9 

"Seriously? Dito talaga tayo mag-aaral?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Dito nya kasi ako dinala sa kainan. Pero hindi sya yung parang Restaurant. Walang masyadong tao. Maaliwalas at tahimik. Ibang-iba 'to sa kainan na kinakainan namin. Parang nakita ko na 'to eh, yung dun sila nakaupo sa sahig, tapos yung upuan nila unan? 

"Tag-hirap ba ang mga tao dito at hindi maka bili ng upuan?" Iritang tanong ko dito pero sinamaan lang ako nito ng tingin at pumasok na sa loob. Nakakaasar talaga 'tong taong 'to! Iwanan banaman ako? 

Sumunod lang ako sakanya, at doon kami pumwesto sa may dulo. Umupo na sya, pero ako nanatili pa din nakatayo at nakatingin sakanya. 

"Tatayo o tatayo ka lang ba dyan?" Walang emosyon na tanong nya. Tss. Sinunod ko sya, at padabog na umupo at tiningnan sya ng masama.

"Let's start. Saan ka ba nahihirapan?" tanong nya pero hindi ko sya sinagot. Bahala sya dyan.

He let out a big sighed tsaka nag-salita, "Pipi ka ba?" inis na tanong nya. 

"Bakit ba kasi dito tayo mag-aaral? Wala ka bang bahay? At dito mo pa talagang naisipan pumunta?" Irita kong sabi. Wala ba syang bahay? Bakit kasi kailangang dito pa? Tuturuan nya ba talaga ako? o gusto nya lang akong maka-date? Luh. 

Umayos ito ng upo tsaka nag-lean sa table, "Ms. Piper, wag ng madaming reklamo! Hindi mahalaga ang lugar na pag-aaralan. Ang mahalaga, yung matuto ka!" He almost shouted. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Buti nalang at walang masyadong tao, kung hindi, baka pag-usapan kami. 

"Chill. Oo na!" Ano bang palag ko sa Stanley Carson na 'to? Wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang sumunod sakanya. Lagi naman akong talo sakanya, kailan ba ako nanalo? 

Nilabas nya na yung libro at iniabot sa'kin. Seriously? Tatlong makakapal na libro ang pag-aaralan namin ngayon? Seryoso ba sya? Gusto nya ba akong patayin? Sakit sa bangs! 

"S—seryoso ka ba dito? H—hindi ka ba nagibibiro?" nauutal kong tanong sakanya. 

"Bakit ayaw mo?" 

"H—hindi naman sa ayaw ko. Masyado kasing madami.." Nakasimangot kong sabi. Tumungo nalang ako. Feeling ko gusto ko ng maiyak. 

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon