Chapter 22

254 11 4
                                    

Chapter 22 

Sabay kaming bumalik sa cottage ni Stanley at pag-pasok na pag-pasok namin, nakatingin sila sa'min. Si Thea, kitang-kita sa mata nya ang tuwa dahil ang lapad ng ngiti nya! Ngiting tagumpay ba. At ang bruhilda naman, kulang nalang ay sindihan para sumabog! Nakakatakot yung tingin na ipinapakita nya. 

Lumakad ang bruhilda papunta kay Stanley at kumapit sa braso nito na akala mong mawawala. Tss. Higad na nga, linta pa! "Babe, okay ka lang? Pinasakit nya ba ang ulo mo? Aalis na ba sya?" rinig kong tanong nya kay Stanley. Napailing nalang ako. 

What the eff? 'Babe?' Seriously? Yak! 

Hinila naman ako ni Thea papasok sa kwarto ni Stanley at ini-lock yung pinto. Agad itong kumaripas ng takbo papunta sa higaan ni Stanley at prenteng-prenteng umupo. "Ate, upo ka dito sa tabi ko." sabi nya at tinap pa ang space sa tabi nya.

I smiled at sumunod agad sa sinabi nya. Ng maka-upo na ako, "Anong nangyari? At bakit parang... may something ata sa inyo nung dumating kayo?" Mahina nitong tanong, tama lang para marinig ko. "Ikaw talaga!" at kinurot sya sa ilong. "Pero alam mo ba na... hindi ko inaasahan na mapapaamin nya ako, agad-agad." 

"What? Anong napaamin? Don't tell me na may i-tinanong ang magaling kong Kuya sa'yo?" I just nodded. "Meron nga," Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. "Ate! Anong tinanong nya sa'yo? Seryosong tanong ba?" 

"Seryosong tanong na hindi ko inaakala na masasagot ko. He asked me... kung... m-mahal ko ba daw sya." Oh god! Eto nanaman yung puso ko. "And then you say... yes to him?" I nodded. "Oh.My.God! So kayo na? Official na kayo?" 

I sighed, "Anong official ka dyan! Walang kami. Tinanong nya lang kung mahal ko ba sya, pero sya... ni hindi man lang nya sinabi kung mahal nya din ba ako. But I think, wala syang gusto sa'kin. Siguro tinanong nya lang talaga, o hindi kaya, nakakahalata na." Na-dissapoint kaya ako! After nung yakap scene namin, naging bipolar nanaman ang bruho! 

"No, Ate Calli! Wag mong isipin yan. Alam kong may pag-asang maging kayo ng Kuya ko. Hindi dahil sa hindi nya sinabi sa'yo na mahal ka din nya, e wala na syang gusto sa'yo. Malay mo naman nahihiya lang yan' bruhong yan! Don't worry, mamaya mag one-on-one kami. Ako bahala sa'yo." Napangiti nalang ako. Ang kulit talaga ni Thea! Ang sarap nyang maging kapatid dahil parang mas matanda pa sya kung umasta. Feeling ko nga, sya yung Ate ko. Huhuhaha. 

"Thank you, Thea." 

"No problem, Ate! Basta ikaw! Malakas ka sa'kin e. At ikaw lang ang gusto ko para sa Kuya kong maarte. Ikaw lang at walanang iba pa." 

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon