Chapter 23
Nawawala ako sa konsentrasyon kapag napapatingin ako sakanya. Hindi ko alam pero kahit hindi naman sya nakatingin at nakikinig sa'kin, nawawala talaga ako. Iniiwasan kong hindi mapatingin sakanya pero masyadong makulit ang mga mata ko at pilit na pinapatingin sakanya. Naiiling nalang ako sa mga iniisip ko.
"Madali lang ang topic na ito kaya sigurado ako na lahat ay makakapasa sa finals. But for now, please get 1 whole sheet of yellow pad, write your name, section, and the date today. At pakilagyan ng Quiz number 3 sa taas."
It's true. Sobrang dali lang ng topic ngayon. Kaya sana maipasa nya ang finals dito sa Math. Napatingin nanaman ako sakanya. Wala syang ka-buhay-buahy at parang tamad na tamad. Kahapon lang kami umuwi, pero mas pinili ko ng pumasok agad kaysa makasama ang Papa ko na walang ginawa kung hindi mag-tanong ng mag-tanong tungkol sa nangyari sa'min doon.
-
"Pass your papers in front." I said. "No more papers? Okay you can go home now." Ako ang last subject nila. Sigawan naman ang buong klase. Napailing nalang ako at natawa. Masyado ko ba silang pinahirapan sa quiz? Actually, madali lang yung mga given na binigay ko. Ewan ko nalang talaga sakanila.
"Bye, Mr. Carson!"
"Mr. Carson, I heart you na po! Haha. Thank you po sa easy quiz today, sana same given din po sa exam."
"Bye po, Sir! Sana araw-araw, gano'n ang quiz para sure na pasa."
Mga pahabol ng estudyante. Natatawa nalang ako mga pinagsasasabi nila. Mga estudyante talaga! Don't worry, naranasan ko din yan. Dumaan din ako sa stage na yan. Yung tipong kahit hindi mo naman gusto yung Professor, nagiging paborito mo 'kunwari' dahil sa madaling quiz na ibinigay.
Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ng biglang may nag-abot ng papel sa'kin. Napaangat ako ng tingin sakanya, hindi pa pala sya lumalabas. "Bakit nahuli yan?" seryoso kong tanong sakanya. "Buti nga pinasa ko pa. Balak ko kayang hindi mag-pasa. Para saan pa? Bagsak din naman." She said coldly na mas malamig pa sa yelo. Kinuha ko nalang para matapos na.
Lumabas na ito ng hindi man lang nag-papaalam. Ni hindi nya nga ako tinapunan ng tingin kanina. Galit ba sya? Okay, fine. Sino ba sya? At ano bang pakialam ko kung galit sya sa'kin? Mas maganda nga yon e, para hindi nya na ako kulitin. Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko, lumabas na din ako at hindi ko inaasahan na makikita ko pa sya ulit.
Mag-isa itong nag-lalakad sa may hallway, mabagal lang ang lakad nya na para bang may hinihintay. Bumagal din ang lakad ko dahil ayokong makita nya ako. Pero kung babagalan ko pa, mas makikita ko pa din sya. Kaya naman binilisan ko na ang lakad ko at nilagpasan lang sya. Pero kung minamalas ka nga naman, dahil sa pagmamadali ko, nahulog yung mga papel.
"What the eff," I sighed at napakamot nalang sa ulo ko. Nakakainis! Kung kailan naman gusto kong umiwas sakanya, saka pa may mahuhulog na kung ano. Wala akong ibang choice kung hindi balikan at pulitin ang mga nagkalat na yellow pad.
Isa-isa ko iyong pinulot. Sayang! Malayo na sana ako sakanya. Nakayuko lang ako habang pinupulot yung mga nahulog na papel at hindi tumitingin sa iba. Isa nalang! At ng pulutin ko na ang huling papel, nag-angat na ako at nagulat nalang ng nasa harapan ko sya.
Seryoso itong nakatingin sa'kin, habang ako hindi alam ang gagawin. "Oh, may nahulog pa." sabay abot sa'kin nung papel. Agad ko naman kinuha iyon, "Bilisan mo na, baka magalit yung Soon-To-Be-Girlfriend mo sa'yo. Maala shotgun pa naman ang bunganga ng babaeng iyon." She rolled her eyes at nag-patuloy sa paglalakad.
Bitter is.
Calliope's POV
"Hindi ko alam, pero naaasar ako sa presensya nya ngayon! Ang kapal ng mukha nya! Nakakainis! Leche sya!" inis kong sabi. Bwiset na Stanley! Mag-sama talaga sila ng bruhildang-linta na babaeng 'yon! Mag-sama sila! I don't care.
BINABASA MO ANG
Falling For My Professor
Teen FictionI slowly became fond of my male professor. At first I thought it was just a lust. A simple 'crush' that would go away with time. I was wondering if I should proceed and tell him how I feel or just leave it alone. ...