Chapter 7

303 8 11
                                    

Chapter 7 : 

"Pwede bang ikaw nalang?" He said with a serious face. Kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay. 

Mag-sasalita pa sana ako para tanungin siya kung anong ibig sabihin niya ng bigla itong tumalikod at nag-lakad palayo. Aba! Bastos din 'tong isang 'to eh! Talikuran at walk-outan ba daw ako? Hindi ko na siya hinabol o sinundan pa. Swerte naman niya pag ginawa ko yun! 

Dahil siya ang last subject namin, naisipan kong puntahan muna si Shelby sa Gym. Hindi kasi kami pareho ng schedule. Mas maaga uwian ko ngayon kaysa sakanya. Habang nag-lalakad ako papunta sa Gym, hindi ko maiwasan hindi mairita sa mga taong titig na titig sa'kin. Lalong-lalo na yung mga lalakeng akala mong mauubusan ng babae. Sarap suntukin! 

"Pare, ang ganda niya." 

"Sa lahat ng dumaan dito, siya lang pumasa sa panlasa ko." 

 Seriously? Panlasa? Ano ako, pagkain? Boys drool over me. Yuck! Ng makarating na ako ng Gym kung nasaan si Shelby agad akong pumasok doon at hinanap siya. Bakit kasi ang daming tao dito? Sa pagkakaalam ko kasi, section lang nila ang nandito dahil P.E nila. 

"Look who's here!" 

Bigla naman akong napatingin dun sa nag-salita. The hell? Yung Trio na nakita ko nung first day. I stand straight and do the cross-arm at saka sila tinarayan. 

"Nah—don't give me that kind of look Calliope. It makes you even more hotter." He said, a naughty smile creeping across his face. I rolled my eyes. I was about to go ng bigla niya akong pigilan.

"Wait. Aren't you going to ask me what my name is?" Pa-cool nitong sabi at saka ngumiti dun sa dalawang ugok na kasama niya. 

"Don't worry, I already know your name." Bitch please? 

"Really? So isa ka din pala sa mga babaeng nang-iistalk sa'kin?" What a feeler? Bakit ko naman pag-aaksayahan ng oras ang isang ugok na katulad niya? Kapal. Mag-sasalita sana ako ng bigla nanaman siyang um-epal. "Okay lang. Kung isang katulad mo lang din naman ang stalker ko, aarte pa ba ako? You're pretty. My pretty stalker." I feel like I want to vomit.

"Pardon? Ako? Stalker mo? Oh, bitch please! Wag kang feeler." 

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon