14

5K 95 1
                                    

PAGPASOK ko pa lang sa cubicle ko, bumulaga na sa akin ang isang flower basket.

We're very sorry, Kat, ang nabasa kong nakasulat sa dedication. Alam ko na kung kanino galing iyon—kina Norie at JC na nagdala sa akin sa ospital nang mawalan ako ng malay dahil sa shock.

Sa paghahangad nilang makatulong, muntik pa akong mapahamak. Pero wala naman silang kasalanan. Aksidente ang nangyari nang gabing iyon.

Aksidente. Wala na bang ibang mangyayari sa buhay ko kundi aksidente? Siguro, kung hindi pinukpok ni Jirox ng bote ang leader ng mga goons, malamang na na-hostage na ako. At kung minalas pa nang husto, baka napatay rin ako. Mabuti na lang at walang nangyari sa akin.

I was just too sad for Jirox. Alin lang sa dalawa: nasa ospital siya o nakakulong kasama ng mga goons. Okay sana siya. Hindi ako sinusumpong ng panic attack sa harap niya. Komportable ako sa pakikipag-usap sa kanya dahil smart siya at hindi naman rude. Pero hindi ko kayang makasama ang isang taong laging nasa panganib ang buhay dahil kahit ayoko, pati ako ay damay sa mga mangyayari sa kanya. That was the reason why I didn't prefer the bad boy types.

And come to think of it, this time, hindi na ang panic disorder ko ang dahilan kung bakit pumalpak na naman ang date ko. Hindi rin ang Ideal Guy Syndrome ko dahil malayo si Jirox sa tipo kong lalaki. Napapikit ako nang mariin. Isa lang ang ibig sabihin niyon: Wala sa dalawang pinaghihinalaan naming mga rason na iyon kung bakit hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend. At iyon ay walang iba kundi dahil may jinx ako pagdating sa love life.

Yes, that was it. Malas ako sa love. Malas ako sa lalaki. Iyon ang dahilan kaya hanggang nang mga sandaling iyon ay solid member pa rin ako ng NBSB Club at kahit seryosuhin ko na ang boyfriend hunting ay wala pa rin akong napapala kundi puro aksidente.

"Hi, Kat!" sabay na bati sa akin nina Jackie at Romie. Nakikisimpatya ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.

Ngumiti ako. Pinilit kong itago ang lungkot sa aking mukha dulot ng realisasyong nabuo ko sa isip. "Hi."

"We heard what happened," sabi ni Jackie.

"We're sorry about it," wika naman ni Romie. "Okay ka na ba?"

"Okay lang ako, ano ba kayo? Actually, okay nga ang nangyari kagabi. Dati ay napapanood ko lang sa mga action movies 'yong mga ganoong bakbakan. Pero ngayon, I couldn't believe na nasangkot pa ako sa ganoong eksena and I'd seen an in-my-face actual fighting scene. Takot lang talaga ako sa putok ng baril kaya ako nawalan ng malay. Nevertheless, I'm perfectly fine now," masiglang pagkukuwento ko.

"That's cool," komento ni Jackie na nahalata kong nakikisakay lang sa pagkukunwari ko.

"Eh, 'yong tungkol sa score ninyo ng rock star?" tanong ni Romie.

"Si Jirox? I guess I got no choice but to throw him on the spank bank. Hindi ko gustong magkaroon ng love life na a la action movie. Ayokong mamatay nang dahil sa pag-ibig." I rolled my eyes and smiled.

Mayamaya pa ay umalis na sila kaya nagsimula na akong magtrabaho. Habang nasa pictorial ay laman ng isip ko ang nakakalungkot na realisasyon tungkol sa kapalaran ko. Maybe I was destined to be an NBSB forever. Mamamatay na lang yata talaga akong hindi nagkaka-boyfriend.

"Kat," untag sa akin ni Romie. Saglit na inalis niya ang kanyang mga mata sa lens ng camera.

"Huh?" Napapitlag pa ako. "I'm sorry." Lumapit ako sa lens at sumilip doon. Ngumiti ako kay Romie. "That's a cool angle."

"I don't think you're okay," bulong niya. May halong pag-aalala ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"I am." Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makahirit pa dahil lumapit na ako sa mga modelo at nagbigay ng instructions. Inayos ko ang kulot na buhok ng isang modelo. Ganoon din ang ruffled skirt niya. "Hold it this way. No, Lyca. This way."

"Okay, ladies, get ready," pag-i-instruct ko sa tatlong modelong magkakadikit. Tumayo ako sa harap nila para pagmasdan ang mga pose nila. Then I sighed in contentment. The ladies looked really good in their dresses and makeup.

Tumingin ako kay Carmie. Sumenyas siya ng "approved." Maaliwalas din ang mga mukha ng mga stylists. Si Jackie naman ay ngumiti.

Humarap ako kay Romie na kasalukuyang nakasilip sa lens. "Okay, Rom, get ready."

Humakbang ako para lumayo. But I probably I took a wrong step. All of a sudden, I heard gasps from the people around, including my own. I slipped and my butt fell flat on the floor.

ext-a7�Q�X� 

A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon