4

6.3K 127 4
                                    


"'BUTI naman, hijo, at nakisalo ka sa amin. Sayang at nag-out of town ang parents mo. Kasama sana natin sila ngayon. Marami pa naman ang iniluto ko," narinig kong sabi ni Mommy kay Lee.

"Oo nga po, Tita," sagot ni Lee habang ngumunguya. "Ang sarap pa naman ng luto ninyo."

"Naku, ito naman. Matagal na, 'no."

Nginitian ko si Lee na katabi ko sa mesa. Mabuti na lang at pumunta siya sa annual birthday dinner ko. Noong isang taon ay hindi siya nakadalo dahil nasa ibang bansa siya at nakikipagkarera.

He grinned back. Ang akala ko ay ginantihan lamang niya ang ngiti ko. Nang marinig ko ang pagtawa ni Kurt mula sa kaibayo ko habang itinuturo ang mukha ko, nahulaan ko na kung bakit nakangiti sa akin si Lee. There was something wrong with my face.

"Hija, beinte-sais ka na pero kung kumain ka, para ka pa ring bata," komento ni Mommy habang itinuturo ang gilid ng bibig ko.

May nakapa akong mga butil ng kanin doon at sa baba ko. Nang tumingin uli ako kay Lee ay nakangiti pa rin ang loko. Iningusan ko siya at saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Kaya siguro hanggang ngayon ay hindi ka pa nagkaka-boyfriend, eh," patuloy ni Mommy na nakapagpatigil sa akin sa pagsubo.

Pinandilatan ko si Lee. Kapagkuwan ay bumaling uli ako kay Lee. Mas lumapad pa ang ngiti niya. Mukhang pinagtatawanan na naman ako ng bruho. I grimaced.

"Mommy, ano naman ang kinalaman ng hindi ko pa pagkakaroon ng boyfriend sa pagkain ko?"

"Nakaka-turn off para sa mga lalaki ang mga babaeng sloppy eaters," sagot niya, di-alintana ang inis ko. Bumaling siya kay Lee. "Hindi ba, Lee?"

"Well, depende sa babae, Tita," sagot ni Lee.

Lumiwanag ang mukha ko. Mukhang ipagta-tanggol ako ng best friend ko.

"Kung si Kat—" Tumingin siya sa akin. I looked at him with anticipation. "Nakaka-turn off nga."

Tumawa si Kurt. Ngumiti naman si Mommy.

sa inis ko, hinampas ko si Lee sa balikat. "Pasalamat ka at may regalo ka sa akin. Kung wala, sinama ka na sa akin." Sinulyapan ko ang regalo niya para sa akin. Natuwa talaga ako nang makita ko ang regalo niya. He painted a female version of Kero and had it framed. Alam na alam niyang love na love ko si Kero. Pang-ilan na nga ba iyon sa mga iniregalo niya sa akin?

Sweet si Lee, hindi nga lang halata. With his untamed wavy hair, short-growing mustache, and rugged outfit, he could pass for a rock star impersonator.

"Ikaw, Lee, wala ka bang maipapakilala kay Kat na sa tingin mo ay magugustuhan niya? Aba, marami na akong ipinakilala sa babaeng iyan pero wala siyang nagustuhan ni isa. Masyado kasing mapili," wika ni Mommy na nakapagpasimangot na naman sa akin.

Tama bang pag-usapan sa hapag-kainan ang zero love life ko? Gusto ba nilang mawalan ako ng ganang kumain?

Tumingin si Lee sa akin. "Wala, Tita. Masyado ring mapili ang mga kaibigan ko, eh."

Nag-init na naman ang ulo ko. Pinaghahampas ko siya sa balikat. Tumawa lang siya, tila hindi nasasaktan.

"Kat, ano ba? Nasa harap tayo ng pagkain," saway sa akin ni Mommy.

Iningusan ko si Lee na nakangisi pa rin. Kapagkuwan ay ipinagpatuloy ko ang pagkain.

"Maganda naman si Kat, 'di ba, Lee?" mayamaya ay tanong ni Mommy.

Hindi agad siya sumagot. Nakangisi lamang siya sa akin habang ngumunguya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa tinidor. Tiningnan ko siya nang may pagbabanta.

"Maganda siya."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kaya lang..."

Muli ay pinukol ko siya ng matalim na tingin. Ngumisi lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Ang walanghiya, may hanging contrasting statement pa.

"Kaya lang ano?" tanong ni Mommy.

"Kaya lang, mali-mali, lampa, at accident-prone. In short, nakaka-turn off," sabad ni Kurt na muntik ko nang maabot ng saksak ng tinidor kung hindi lang ako napigilan ni Mommy.

"Tatandang dalaga ka na lang, Ate," dagdag na pang-aasar pa niya. Nang pingutin siya ni Mommy, ako naman ang tumawa.

"Beh! 'Buti nga!" I stuck out my tongue at him. Nang balingan ko si Lee, nakatingin siya sa akin habang nakataas ang isang sulok ng mga labi. Alam kong nagpipigil lamang siyang tumawa. And to think he was my only guy best friend.

"Ano'ng itinitingin-tingin mo?" mataray na tanong ko.

"May nakalimutan kasing idagdag si Kurt."

"Ano?" Pinandilatan ko siya.

"Isip-bata ka rin."

"Tse!" Inirapan ko siya. Kapagkuwan ay muling hinarap ko ang pagkain. Padabog ang pagtusok ko ng isang hiwa ng steak. I stuffed it all in my mouth without slicing it. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita ko si Lee na nakatingin sa akin. Nakangisi siya.

"Siyanga pala, Lee. May ipapakilala nga pala ako kay Kat. Guwapo ang anak na iyon ng amiga ko. Galing siya ng States. Kapag hindi pa siya nagustuhan ni Kat, ewan ko na lang."

Nabitin sa bibig ko ang steak na isinubo ko. Iyon ba ang makikilala ko through a planned accidental meeting?

Bumaling ako kay Lee. Nakita kong saglit na nawala ang ngiti niya. "Well, sana lang ay magustuhan niya si Kat. I mean, magustuhan siya ni Kat." He regained his same old smart-ass smile when he looked at me.

Hindi ko siya pinansin. Ang nasa isip ko ay ang lalaking ipapakilala sa akin ni Mommy. Baka siya na ang matagal ko nang hinihintay. At this point, every crushable male was a potential boyfriend.

n-bottom:.(QL

A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon