THAT was my first kiss. No, it wasn't. It couldn't even be called a kiss. It was just a fleeting touching of our lips. At accidental pa.
Tama si Lee. Aksidente lang iyon. So how come my thoughts were filled with the memory of that kiss?
No! Hindi kiss 'yon! I screamed in my mind.
But even though it wasn't a real kiss, still, it couldn't erase the fact that it was Lee's lips that first touched my lips. Bakit si Lee pa sa dinami-rami ng mga lalaki sa mundo? Bakit ang best friend ko pa?
Napabuntong-hininga ako. Kapagkuwan ay binalikan ko ang tinatapos kong paghahanda para sa pictorial sa isang linggo. My story theme for that pictorial was entitled "Torn Love." It was about two women struggling to get a man they both loved. The man was torn between two women who were both close to his heart. Ang isa ay ang kanyang long-lost first love at ang isa ay ang kanyang best friend na nagtapat ng totoong damdamin sa kanya.
Nahirapan akong gawin ang konklusyon sa istorya. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ng lalaki sa dalawang babae. Pero sa bandang huli, napagdesisyunan ko na lang na gawing open ending ang istorya. Hindi siya pumili ngunit darating ang araw na kakailanganin din niyang mamili. Soon, his heart would decide on that.
Funny how I suddenly came up with the theme. Siguro ay dahil may dalawang taong gumugulo sa isip ko nang mga sandaling iyon. My first love and my best friend.
Hanggang nang mga sandaling iyon ay nanghihinayang pa rin ako sa kinahinatnan ng coincidental second encounter namin ni Romeo. Pero na-realize ko na tama lang ang nangyari na maaga kong nalamang hindi niya ako kayang tanggapin sa kung ano ako. Baka lalo lang akong masaktan kung napatagal pa.
Why couldn't anyone accept me for who I was? Ang sabi ni Lee, kapag nakilala ko ang taong kaya akong tanggapin sa kung ano ako, ibig sabihin ay siya na ang para sa akin. Pero paano kung walang tumanggap sa mga kapintasan ko? Ibig bang sabihin niyon ay hindi na ako magkaka-boyfriend kahit kailan?
Siguro nga, I had a jinx. A love jinx. Perhaps I was destined to be alone and lonely for the rest of my life.
Mabuti pa si Lee, nakita na niya ang taong mamahalin niya. Napakaespesyal ng babaeng iyon para ligawan ni Lee. I felt a heavy squeeze in my heart as I thought about it. And I didn't know why. Siguro, tulad ng nararamdamang inseguridad at takot ng isang ina sa anak na lalaki kapag nagkakaroon ito ng seryosong relasyon sa isang babae. Inseguridad dahil mahahati na ang pagmamahal at atensiyon niya sa pagitan ng ina at nobya. At takot dahil anumang sandali ay maaari nang kunin ng nobya ang anak mula sa ina.
Parang binayo ang puso ko sa naisip. No. Hindi pa pakakasalan ni Lee si Elise. Ayoko pa.
The thought of seeing Lee happily married suddenly made me want to cry.
Fool! Wala kang karapatang pigilan si Lee kung gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya, piping usig ko sa aking sarili. At hindi rin dapat ako malungkot sa kasiyahan ng kaibigan ko dahil lang wala akong love life na tulad ng sa kanya at naiinggit at natatakot ako na baka tuluyan na siyang mawala sa akin.
Torn love... Torn friendship... Torn Kat.
"Kat," tawag sa akin ni Norie.
Tiningala ko siya. Nakadungaw siya sa cubicle niya.
"What happened to your Romeo?"
Pinilit kong ngumiti. "I guess he realized he's really meant for Juliet and not for Katharina."
"See?" singit ni JC na bigla ring lumitaw ang ulo mula sa cubicle nito. "I told you, he's mine."
Nagpakawala ako ng mahinang tawa. "Okay, he's all yours now, Julieto."
"Hmp! In that case, you better find your Petruchio."
"Oo nga. Sama ka sa amin bukas sa—"
"Stop! Ayoko na. I'm tired of this search." Ayoko nang makakilala ng pare-parehong klase ng lalaki linggu-linggo. Ayoko nang dagdagan pa ang listahan ko ng mga lalaking inayawan ako. Ayoko nang masaktan.
I guessed this "search operation" for Mr. Right wasn't a good idea all along. Lalo lamang akong nasaktan sa ginawa kong pagkilos para magkaroon na ng nobyo. I thought I should stop right here to spare my heart from more heartbreaks. I should let my battered pride and heart rest.
"Tama 'yan, Kat."
Napatingin kaming lahat kay Karen na biglang sumulpot sa opening ng cubicle ko. "Dahil hindi naman talaga hinahanap si Mr. Right. Kusa siyang dumarating sa takdang-oras. And the reason why you keep on meeting Mr. Wrongs is because it is not the right time yet for you to meet the right one. You're only twenty-six years old, Kat. Bata ka pa. Don't worry yourself that much. Darating din ang para sa 'yo. You just have to wait for it... patiently." She winked at me and vanished.
Napa-"ohs" at "ahs" sina Norie at JC. Napatangu-tango naman ako. Karen was right. I had to stop the search.
��Q:�
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
RomansaA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid