INILAGAY ko ang ball pen sa gitna ng pahina ng diary kong inilapag ko sa kama. Kasusulat ko pa lang ng mga nangyari nang araw na iyon.
Romeo asked for a second chance for us to get close. Humingi siya ng paumanhin sa akin sa hindi pagtawag at pagpapakita sa akin. Naging abala raw siya masyado sa pag-uumpisa ng training sa paghawak ng kompanya ng kanyang pamilya. Pero hindi ko pinaniwalaan iyon kaya naging direkta na ako sa kanya.
"I'm a natural booboo, Romeo. I spew out ugly expletives out of shock. Ganoon talaga ako. Hind ko na maiaalis iyon sa sarili ko. Minsan ay inaatake ako ng pagka-nervous wreck ko. Nauutal ako minsan kapag nagsasalita. Lampa rin ako. I used to do 'out of normalcy' things." Tinawanan ko pa ang sarili ko.
Sa likod ng isip ko, alam kong hindi ko dapat sinasabi kay Romeo ang ganoon. Baka hindi na uli siya magpakita. Pero hindi ko alam kung bakit hindi na ako natatakot na mapahiya sa harap niya tulad noon. Siguro ay dahil hindi na rin ako natatakot kung sakaling mawala man siya nang tuluyan. Dahil na-realize kong wala na akong nararamdaman para sa kanya. And I perfectly knew who I really loved.
I was in love with my best friend. I was so sure about that by now. I was irrevocably, hopelessly, and pathetically in love with Lee.
I wiped my tears and hugged Kero. I knew for a fact that Lee couldn't love me the way I did him. Kung may pagmamahal pa man siyang natitira para sa akin, pangkaibigan lamang iyon. He was in love with Elise and the thought of it made my heart bleed in pain. Magkasama silang pupunta sa Europe.
Dinampot ko ang cellphone sa side table. I reluctantly composed a message for Lee.
R U really leaving me?
I shook my head and cleared the word "me."
R U really leaving? Y didn't U even tell me U are leaving so soon?
Pipindutin ko na sana ang send button pero may naisip pa akong idagdag.
Balewala na ba tlga ako sa U? Wala ka ba tlgang pakialam sa kin? Do U know how dat hurts, Lee? U told me U don't want 2 ruin our friendship but do we still hav dat friendship U were telling me abt? R we still friends?
I cried and deleted the message. I felt so pathetic. And I couldn't let him know about it by sending him that stupid message. Kung may halaga pa talaga ako sa kanya, sinabi na sana niya sa akin na aalis siya sa Lunes. Kung hindi pa kami nagkita-kita sa labas kanina at kung hindi pa sinabi ng nobya niya ay hindi ko pa malalaman na aalis na siya. Ibig sabihin, wala talaga siyang balak sabihin sa akin ang pag-alis niya. Iiwan na lang niya ako basta.
Hindi ba niya alam kung gaano kasakit para sa isang kaibigan ang gawan ng ganoong bagay? Pero siguro nga ay hindi na talaga kami magkaibigan kaya niya nagawa ang ganoon sa akin.
Oh, Kat, you are whacked. Paulit-ulit ka na lang.
Natukso akong sumilip sa bintana at tanawin ang bakuran ng katabing bahay.
"Kat!"
"Ay, butiki!" Nilingon ko ang nanggulat. "Mommy, naman..."
Umupo siya sa kama ko. Noon ko lang nakita na nasa likuran pala niya si Kurt. Hindi siya pumasok. Sumandal lamang siya sa hamba ng pinto.
"Alam mo ba, kapupunta ko pa lang sa kabilang bahay."
"Kina Lee?" Bigla akong nagkainteres sa sasabihin niya.
"Oo. Nakita ko si Lee. Umiinom siya nang mag-isa sa garden. Mukhang lasing na nga, eh."
"Bakit kaya?" Hindi ugali ni Lee ang uminom sa hardin maliban na lang kung may problema siya.
"Tinanong ko si Merced kung ano ang problema ng binata niya. Nag-break daw si Lee at ang nobya niya."
Napamulagat ako. "Ha? Paano nangyari 'yon? Kanina lang..." Bigla akong tumayo at nagpasyang puntahan si Lee. Baka kailangan niya ng kaibigan nang mga sandaling iyon.
n>"Qy
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
RomanceA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid