HINATAK ko ang larawang naabutan kong pinagkakaguluhan ng mga editors at stylists. Litrato iyon ng nakuhanang pagkadulas ko sa pictorial. I could kill Romie for this.
"I hate you all." I pouted and tore the picture.
Natigilan ang lahat.
"I'm sorry, Kat," hinging-paumanhin ni Jackie. Nagsigayahan na rin ang iba.
Lumapit si Romie sa akin at niyakap ako. "I'm sorry, Kat. I didn't mean to take that shot. On instinct, bigla ko na lang napindot ang click button. Hindi ko talaga intensiyong kuhanan ang pagkadulas mo."
"Ano naman ang masama ro'n? Lahat naman ng tao ay nadudulas," sabad ni Rubie.
"Oo nga. Hindi ka naman namin pinagta-tawanan, eh," wika naman ni JC.
I made a face at them. "Hindi n'yo nga ako pinagtatawanan pero lahat kayo ay nakangiti nang maabutan kong tinititigan itong picture na ito."
Walang umimik isa man sa kanila. Guilty kasi sila. Umakto akong lalabas na ng conference room.
"Wait, Kat!" pigil sa akin ni Jackie.
Tumigil ako pero hindi ako lumingon.
"I can help you about that."
Doon ako napalingon. Nakakunot ang aking noo. "About what?"
"Iyong... problema mo sa..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Halatang nag-aalangan siya.
Nakuha ko naman ang gusto niyang tumbukin. "Sa pagkalampa ko?"
"Yes," nakangiting sang-ayon niya.
"You can't do anything about an inborn disease, Jack."
"Maybe involving yourself in sports activities could do something about it."
Sports? Aside from rock, that was the least thing I paid attention to. Ngumiti ako. "I suck in sports and I guess you know why." Itinaas ko pa ang punit na larawan.
"Sumama ka sa amin ngayong Linggo sa sports club. Gagamutin natin 'yang sakit mo."
I shrugged. Nababaliw na sila kung iniisip nilang puwede nila akong mapaglaro ng kahit anong sports. Because aside from edible males, that was one of my Achilles' heels.
:jus��Qc��
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
Roman d'amourA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid