"ANG GANDA mo ngayon, ah," puri ni Romeo sa akin nang nakasakay na kami sa kanyang kotse. Ihahatid niya ako sa opisina gaya ng plano ni Mommy.
Nag-init ang aking mga pisngi. "T-thanks." Sa kaibuturan ko, nagwawala na ang puso ko sa kilig. "Ikaw rin. You look good."
Saglit na bumaling siya sa akin at nginitian ako, that same old, mesmerizing smile that used to take my breath away then. "So, you're a fashion editor now, huh? Cool."
"Y-yes. Ikaw? What do you do?"
"I just came back from the States. Kailangan ko nang ma-train para humawak ng kompanya kaya pinauwi ako ng mga magulang ko. Pero sa States, right after I graduated, nagpabandying-bandying lang ako. I lived a carefree life dahil alam kong darating ang araw na kailangan ko nang magseryoso at maging responsable. Ako lang ang inaasahan ng mga magulang kong hahawak sa kompanya sa oras na magretiro ang papa ko. Kaya ngayon, I'm ready to get serious in life."
Bigla kong naalala si Lee. Sana ay ganoon din siya katulad ni Romeo. Sana ay ma-realize din niya isang araw na handa na siyang magseryoso sa buhay at itigil na ang pagka-karting at tumulong na sa pagpapatakbo ng kompanya ng kanyang pamilya.
"Good for you," sabi ko. Natuwa ako sa napakinggan ko sa aking sarili. Hindi na ako nauutal. Siguro ay dahil somewhere in high school ay dumating din ako sa puntong hindi na ako nauutal kapag nakakausap ko siya, na naging komportable na rin ako noon sa presensiya niya.
"It's funny how we meet again, Kat. What a charming coincidence."
Coincidence. Iyon talaga ang matatawag na coincidence. Ang mga nakaraang encounters ko kina Noli, Jirox, at John ay bale-wala kompara sa kanya. Hindi ko inakalang makikita ko uli ang first love ko. At siya pa mismo ang inirereto ng mommy ko sa akin.
Could it be the sign? Iyon na ba ang senyales na si Romeo na talaga ang para sa akin? Sana nga.
"WOW! IS he a god?" tila namatandang tanong ni Carmie sa mahinang tinig.
"Oh, Adonis, ikaw ba 'yan?" nakangangang sambit ni Rubie.
"No, he's not a god. He's not Adonis. He's mine," kinikilig na sabi ni JC. Lumapit siya kay Romeo. "Hi, mine!" Inilahad niya ang kanyang kamay kay Romeo na nahalata kong tila hindi alam kung anong klaseng ngiti ang ipapaskil sa mga labi. "I'm JC and you are...?"
"Romeo."
Umaktong tila gulat na gulat si JC. "Oh, gosh. Hindi mo naitatanong, my J stands for 'Juliet.' Oh, my Romeo, sa wakas ay natagpuan na rin kita."
Lumapit si Karen at kinurot sa tagiliran si JC. "Don't scare our guest, Joselito."
Suminghap nang malakas si JC. Nagtawanan sina Carmie at Rubie. Pati na rin ako. Si Romeo ay halatang naaaliw.
"Mother, who told you to dig up that name I'd buried six feet under the ground?" nakaingos na sabi ni JC.
Nagpakilala na ang lahat ng naroroon kay Romeo.
Napabuntong-hininga ako. Just as I thought, sending him upstairs was not a good idea. Kung hindi lang kasi kami nakita ni Karen sa tapat ng building na kasabay lang naming dumating, hindi siya magpupumilit na isama sa itaas si Romeo at hindi magkakalat ang mga kaibigan ko sa harap ng lalaki. Nagpasalamat ako dahil hindi sila kompleto.
"Okay, so if he's not 'mine,' whose Romeo is he?" nakataas ang isang kilay na tanong ni JC. Nakaturo pa ang pumipilantik na daliri niya kay Romeo.
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
RomansaA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid