Doctor, Doctor, I am sick.
"Ano'ng problema?" tanong ng doktor nang makaupo na ako sa silyang nasa tapat ng mesa niya. Sina Carmie at Rubie ay nakaupo sa couch na abot-kamay ko lang.
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa doktor. I felt that suffocatingly familiar beating of my heart. Isa lang ang ibig sabihin niyon: Nakakita na naman ako ng man-sandwich.
Man-sandwich [n] 1. pertaining to a man with virtual characteristics of slices of bread with chunky layers of meat, cheese, et cetera, that is highly pleasing to the taste and is appetizingly biteable. [adj] 2. having a collectively attractive and yummy manly body features. [interj] 3. my weakness!
I guessed fate was mocking me. Paano ako magagamot ng mismong nakakapagpalitaw ng sakit ko?
Tumikhim ang guwapo at bata pang doktor. Saka lang ako tila nagising. I gave him a faint smile. "Ahm..." Ano ang sasabihin ko? Kapag sinabi ko ang problema ko, para ko na ring sinabing crush ko siya. Nakakahiya.
Napalingon ako sa mga kaibigan ko at nagulat din ako nang makita kong nakanganga rin sila habang nakatitig sa doktor. Wait a minute, nahawa na ba sila sa akin?
"Miss Custodio?" untag ng doktor na muling nagpabalik ng tingin ko sa kanya.
"Huh?"
"Ano'ng ipapakonsulta mo?"
I bit my lower lip in desperation. Iniisip na siguro niyang baliw ako. Parang gusto kong tumakbo palabas at iwan ang mga nakatulala kong mga kaibigan. "I... I..."
"She has a very big problem, Doc." Si Rubie ang nagsalita. Lumipat siya sa silyang kaharap ko. Kumabog ang dibdib ko sa nakatakda niyang sabihin. "Ganito kasi 'yon, Doc—"
"No!" I yelled, almost hysterical.
Mabilis na tumayo si Carmie. Pumuwesto siya sa likuran ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Kat..."
"Calm down, Miss Custodio. Or shall I call you 'Kat'?" malumanay na wika ng doktor.
"S-sure," I stammered. What the hell was new?
Ngumiti ang doktor at naramdaman kong tila nawala sa kinalalagyan ang puso ko.
"Ganito kasi 'yon, Doc. She has this... weird panic disorder," pagpapatuloy ni Rubie.
"How weird?"
"Nagkakaroon siya ng panic attack kapag nakakakita siya ng..." Parang sadyang ibinitin ni Rubie ang sasabihin.
Napayuko ako. Sana ay hindi na lang nila ako isinama, tutal, hindi naman ako ang magkukuwento.
"Ng?" untag ng doktor.
"Ng..." Hindi maituloy ni Rubie ang sinimulan. Ngumiti ito, nagpa-cute.
Tumikhim si Carmie. "Ng... guwapo. Tulad mo, Doc. Kaya sinusumpong na naman siya ngayon."
"Tama 'yon, Doc. Kaya hindi pa siya nagkaka-boyfriend dahil sa problema niyang iyon," sabi pa ni Carmie na kahit hindi ko nakikita ay nai-imagine kong katulad ni Rubie ay nakangiti at nagpapa-cute.
I gritted my teeth. Thank God for friends like them.
"Wala pang nagpapakonsulta sa akin na may ganyang kaso. But don't worry, hindi lang ikaw ang may ganyang kaso, Miss Custodio."
Napatingala ako. "T-talaga, Doc?"
"Oo," nakangiting sagot niya habang nakatitig sa akin. Just why did he have to stare at me like that?
"Really? Ibig sabihin, Doc, puwedeng magamot ang ganoong klaseng disorder?" usisa ni Rubie.
Tumango ang doktor.
"Paano?" tanong ni Carmie.
The doctor's mouth twisted in a sexy smile. "Have a date with me."
Napasinghap sina Carmie at Rubie. Ako naman ay natulala.
A date for a therapeutic prescription? Now, that might be what they called "advanced medicine."
grid-alilQ
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
RomanceA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid