TULALANG nakatitig ako sa monitor ng computer ko. After two rejections because of my stupidity, I was left with a little dignity. Pagkatapos ng naudlot na kissing scene namin ni Noli at pagkatapos ko siyang matapunan ng soda sa... doon na nga, hindi na niya ako tinawagan para ituloy ang therapy sessions namin.
Hindi na rin ako pumunta sa clinic niya. I didn't think I could face him after what happened. Akala ko pa naman, naiintindihan niya ang kondisyon ko. Akala ko pa naman, tanggap niya ako sa kung ano ako. Hindi pala. Para din pala siyang si Paul na nasukahan ko lang sa damit ay ayaw na agad sa akin. Eh, ano ngayon? Hindi lamang sila ang lalaki sa mundo. Makakahanap din ako ng lalaking tatanggap sa mga imperfections ko. Iyong mamahalin ako kahit accident-prone ako.
"Kat," tawag ng ulong biglang lumitaw mula sa katabi kong cubicle.
"Ay, palakang tumalon!" bulalas ko.
Ang lakas ng tawa ni Norie. "Nasa'n?"
"Norie! I told you not to startle me." Pinandilatan ko siya.
"Pasensiya na. Wala pa kasing nakakapag-patawa sa akin mula kanina."
I made a face at her. Talagang laughingstock ang tingin nila sa akin.
"Anyway, nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo, dear."
I stared at her in disbelief. "You mean, ginulat mo ako just to remind me of that... that..." I tried to smile. "That funny date with a psychiatrist?" I made a mental note na sabunutan at pag-untugin ang mga ulo nina Carmie at Rubie dahil sa kadaldalan nila. Napilitan kasi akong sabihin ang totoo dahil masyadong naging matanong at makulit sila.
"That psychiatrist is a player. Naniwala kang therapy ang pagyayaya niya sa 'yong makipag-date sa kanya? 'Buti na lang at nangyari 'yon. Kung hindi, malamang na naka-score na siya sa 'yo sa sinehan at God knows kung ano ang pinlano niyang gawin sa 'yo afterwards."
"Hindi naman siguro ako sasama kapag niyaya niya ako sa motel that same night, kahit pa sabihin niyang parte iyon ng therapy. Mali-mali lang ako, hindi tanga."
"You know, Kat, what you need is someone who doesn't care much about poise and reputation and how all things should be done right. Kailangan mo ng isang taong walang arte. 'Yong unaffected. 'Yong walang pakialam kung magulo ang kanyang buhok, kung may dumi o lukot ang T-shirt niya, kung—"
"Wait a minute," putol ko sa sinasabi niya. "Are you suggesting na makipag-date ako sa basurero o sa taong-grasa?"
Tumawa siya. "Patapusin mo muna ako, all right? Ang ibig kong sabihin, makipag-date ka sa taong walang pakialam kahit masukahan mo siya o matapunan mo siya ng soda. Someone who won't fuss over a small mistake. Someone who's carefree, cool, and unconventional."
Napatangu-tango ako. May point siya. Perhaps that was really what I needed. Isang taong by nature ay walang pakialam kahit makagawa ako ng mali. "Pero saan ako makakahanap ng gano'ng klaseng lalaki?"
"Mamili ka, sister... a tattoo artist, a piercing artist or—"
"No!" Ganoon pala ang mga carefree, cool, and unconventional person na tinutukoy niya. Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil parang alam ko na kung ano ang kasunod sa order na iyon. Drug addict. Drug pusher. Hired assassin. Ex-convict.
How dare her to pair me with those people! Para na rin niyang sinabi na wala akong pag-asang magka-boyfriend.
Sa inis ko, ngumiti pa ang loka. "Okay then, let's go to Unplugged tonight."
"Huh?"
"Let's hook up with some rock star. Dress like a rocker chick, okay?" Kumindat pa siya bago nawala ang ulo sa cubicle divider.
Naiwan akong nakanganga.
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
RomantizmA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid