The Real Rock Star
Here we go again. The smoke. The noise. My rocker chick dudes. Bumawi si Norie dahil sa palpak na pagma-matchmake niya sa akin kaya naroon kami sa Rock Degree Bar. She would try to hook me up with some real rock star.
Nasa harap uli kami ng stage kaya binging-bingi na naman ako.
"Hey, can't you at least pretend na nag-e-enjoy ka?" tanong ni JC.
"Hindi ako plastic." I was so bored.
"Paano ka makaka-attract ng rock star niyan kung ganyan ang mukha mo? Halatang-halatang hinila ka lang namin dito," ani Norie.
"A rock star isn't really my idea for a boyfriend."
Tumangu-tango si JC. "Kaya pala best friend mo lang si Papa Lee."
Uminom muna ng beer si Norie bago nagsalita. "Aha! Alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend."
I grinned. "Alam ko na 'yan, Norie. In fact, alam na ng buong kompanya 'yan."
"There's another reason."
"Ano?" curious na tanong ni JC.
"Idealism. Meron kang ideal guy. Kaya hindi mo napapansin ang ibang lalaki na may ibang katangian. For example, si Lee. He's not your ideal guy kaya hindi mo napapansin kung gaano siya ka-attractive. Kaya kaibigan lang ang tingin mo sa kanya."
"Lee is almost my blood. And yes, he's my ideal guy for a brother. So leave him out of this."
"Iyon ang mali sa 'yo, sis. That Ideal Guy Syndrome, you tend to stick to it. Papansinin mo lang ang mga lalaking puwedeng pumasa sa criteria mo ng ideal partner. Mali 'yang pagse-set ng standards. You limit yourself. Iyon ang dahilan kung bakit wala ka pang boyfriend."
Napabuntong-hininga ako. I could see her point. Pero hindi madaling tanggapin ang gusto niyang mangyari. "Masama bang maghangad ng lalaking guwapo, may magandang trabaho, at magandang personalidad?"
"Hindi naman. Ang point ko lang, dapat ay tumitingin ka rin sa iba. Hindi lang sa heartthrob, doktor, at mga tipong reputable at impeccable-looking. Try to look outside your ideal man bracket. Huwag kang masyadong mag-focus sa pagha-hanap ng ideal guy mo. And come to think of it, 'di ba, umaatake lang iyang panic attack mo kapag nakakakita ka ng ideal guy mo? I mean, ng mga heartthrob-type, edible males."
Tumango ako.
"That's it. Alisin mo 'yang Ideal Guy Syndrome mo. Iyon ang solusyon sa problema mo para magka-boyfriend ka na."
"I totally agree," wika ni JC. "Hindi ka na matataranta. Makakakilos ka na nang maayos. Maipapakita mo na ang tunay na Kat, the smart, witty, and sweet one at hindi 'yong accident-prone at mali-mali na nakakapagpa-turn off sa maraming lalaki."
Napaisip ako. May punto sila sa teoryang binuo nila. Masyado nga siguro akong naging pihikan. Gusto ko ng perpektong lalaki gaya ni Prince Charming.
Napatingin kaming lahat sa stage nang magsalita ang paakyat pa lamang na grupo ng rock band. Bumati ang vocalist sa lahat ng mga naroroon at saka nagsimulang kumanta. Habang kumakanta siya—rather, nag-iingay—ay pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. He looked the typical rock-star-in-an-all-black rugged dude with the looks of a classic rebel.
Hindi ko maiwasang isipin na kung magiging boyfriend ko siya, hindi kaya ako mapapahamak? His likes were the types who typically rode motorcycles, who would prefer their chicks ride on their back while driving at high speed without a helmet and not giving a damn about traffic lights and road signs.
Ayokong sumakay sa motorsiklo dahil palagi akong nakapalda. Ayokong magulo ang buhok ko at magkabuhul-buhol ang mga hibla niyon dahil sa maruming hangin. Ayokong mamatay sa vehicular accident. Ayoko ng rock music. Magkakasundo kaya kami?
And wait, he had piercings, too. Mayroon siyang hikaw sa ilong, sa kaliwang tainga, at sa kanang kilay. And God knew where else. And gosh, he also had tattoos on his left arm.
Natapos ang kanta. Tumingin ako kina Norie at JC. "I doubt if I can ask him to date me. Sa tingin ko, makakaramdam pa rin ako ng panic attack sa harap niya. Panic and fear for my life."
Nagtawanan ang mga kaibigan ko. I sipped my beer.
"Well, I'll do the asking on your behalf and—"
Naputol ang sasabihin ni Norie nang magsalita ang vocalist.
"This second song is for the pretty chick sitting at the table in front me." His rough, throaty voice filled the room.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin. He smiled and winked at me.
Muntik ko nang mabitiwan ang basong hawak ko.
ce:none'>
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
RomansaA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid