GUWAPO naman si Jirox—sa palagay ko, hindi iyon ang kanyang tunay na pangalan. Ang problema, ginugulo lamang niya ang kanyang hitsura. At tama sina Norie at JC. Hindi ko naramdaman ang regular panic attack ko sa kanya dahil hindi siya ang ideal guy ko. Medyo natakot lang ako sa mga piercings at tattoos niya at sa buhok niyang tayu-tayo pero hindi naman ako nautal at nataranta.
"Fashion editor, huh? I thought you're a rocker chick. I like your wear, you rock," nakangiting puri niya. Dinala niya ako sa kasuluk-sulukang bahagi ng bar. Bago kami nag-usap ay nagpaalam siya para kumuha ng maiinom namin. Nang magbalik siya ay may dala na siyang cocktail drink para sa akin at beer para sa kanya.
"Thanks." I smiled back at him. Sinupil ko sa aking dibdib ang takot ko sa kanya. Hindi naman siguro niya ako gagawan ng masama sa pampublikong lugar na tulad ng bar na iyon. Isa pa, naroon lang sa tabi-tabi sina Norie at JC. Maaari akong humingi ng saklolo sa kanila kung kikilos si Jirox nang lihis sa dapat.
"Bago ka lang dito, 'no? Ngayon lang kita nakita. Pero ang mga kasama mo kanina, madalas sila rito. I'm glad you crashed in here. It's not every night I see a chick here who takes hostage of my attention."
I blushed and sipped my Alize martini. "Actually, yes. Bago lang ako rito. I'm really no fan of loud music. Niyaya lang ako ng mga friends ko kaya sumama ako."
"You don't dig rock?" tila napapantastikuhang tanong nito.
"Honestly, I don't."
"Well then, I'll make you dig it." He winked at me. Uminom muna siya ng beer at nagulat ako nang bigla siyang kumanta ng isang slow rock song na may temang love.
To be honest, maganda ang boses niya at maganda rin ang kanta. Na-appreciate ko iyon dahil mabagal ang beat at dahil sa tema.
Habang kumakanta siya, na-realize kong tama sina Norie at JC. Masyado nga akong nag-stick sa ideal guy ko at hindi ko alam na okay rin pala ang may makilalang ibang klase ng tao. New experience, kumbaga. Ngayon ko lang naranasan na may lalaking kumanta para sa akin bukod kay Lee. Masarap pala iyon sa pakiramdam.
"Did you like it?" tanong niya nang matapos siya sa pagkanta ng chorus.
"Oo. Maganda 'yong kanta."
"That's what I want you to know. Hindi lahat ng rock, maingay. Hindi lahat ng rock, tungkol sa hate, tragedy, war, and blood. May love songs, wholesome themes, at slow beat din sa rock."
Napatitig ako sa kanya. Sa totoo lang, okay naman pala siyang kausap. Bagaman mayroon siyang typical rock star lingo at accent, may sense naman siyang magsalita.
"Now I understand. Thanks for the free rock lecture," nakangiting sabi ko.
He laughed softly.
Doon nagsimula ang komportableng pag-uusap namin. Aaminin kong masarap siyang kausap. Nakalimutan ko na ngang sulyapan sina Norie at JC at pati na rin ang oras.
Naputol ang pagtatawanan namin nang may lumapit na tatlong lalaki na mukhang mga goons.
Tinitigan ni Jirox nang masama ang lalaking nasa unahan. The scary faced goon cocked his head, as if beckoning Jirox to step outside the bar. Mukhang gusto nitong kausapin nang sarilinan si Jirox.
"Hindi mo ba nakikita? May kausap ako. Mamaya ka na mang-istorbo," galit na sabi ni Jirox.
Naalarma ako. Naibaba ko tuloy ang hawak kong kopita. Nilukuban ako ng takot nang tumingin sa akin ang goon. Pagkatapos ay nilingon niya ang kanyang mga kasama at may isinenyas. Nahulaan ko na ang gagawin nila kaya tumayo na ako. Ngunit hinarang ako ng dalawang goons at hinawakan sa magkabilang braso. Nagpumiglas ako.
"Don't try to scream or you're dead," bulong sa akin ng isang goon.
Napasinghap ako. Nanginig ako sa takot. Diyos ko, mamamatay na ba ako nang hindi man lang nararanasang magka-boyfriend? sa loob-loob ko.
Tumingin ako kay Jirox para humingi ng tulong.
"Huwag n'yo siyang galawin! Bitiwan n'yo siya!" matigas na utos nito pero hindi siya pinakinggan ng dalawang goons. Inakay ako ng dalawang goons sa likuran ng leader nila.
"Sumunod ka sa amin," utos ng leader ng grupo kay Jirox.
Sa wakas ay tumayo si Jirox. Ang akala ko ay sasama na siya pero nanggilalas ako sa ginawa niya. Binasag niya sa ulo ng leader ang bote ng beer na hawak niya. Blood flowed out from the goon's head.
Dahil sa nangyari sa leader, bigla akong binitiwan ng dalawang goons. Bumalandra ako sa sahig. Dinaluhong ng mga ito si Jirox.
I, on the other hand, was shocked. Kitang-kita ko ang pakikipagbasagan ng bungo ni Jirox sa mga goons. Nakita ko ang bawat suntok at bawat sipang ibinigay niya at tinanggap mula sa mga kalaban.
Nagkagulo na sa bar. Then I heard a gunshot.
I fainted.
in;mar^�Q�3�
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
Storie d'amoreA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid