The Rock Star
Hindi ako sigurado kung kumakanta nga ang grupo ng mga taong lahat ay nakaitim na damit sa stage ng rock bar na pinagdalhan sa akin nina Norie at JC o sumisigaw lang at umuungol na parang wild creatures sa jungle. Nakakabingi rin ang ingay ng drums at electric guitars na halos magpangilo sa mga ngipin ko. Nakikisabay pa ang hiyawan ng ilang tao sa paligid.
I had never been inside a rock bar before. Hindi kasi ako mahilig sa rock genre na mas dapat yatang tawaging noise kaysa music. Kung bakit naman kasi sa harap pa kami pumuwesto.
Napatingin ako sa dalawang kasama ko sa mesa. Humihiyaw si JC, malamang ay dahil lalaki ang mga kumakanta. Gumagalaw naman ang ulo ni Norie habang sinasabayan ang kanta. Obviously, fan sila ng rock music. Dinala yata nila ako roon para mabingi at ma-out of place.
"Thank God, I don't need a cotton swab to clean my ears. Nagtalsikan na lahat ng nasa tainga ko sa ingay nila," sabi ko nang sa wakas ay natapos na ang dalawang magkasunod na number ng banda.
"Wala ka bang nagustuhan kahit isa sa mga tumutugtog kanina?" tanong ni Norie.
"Hindi mo ba napansin, guwapo 'yong drummer?" sabi naman ni JC.
"Paano ko mapapansin, eh, natatakpan ng mahabang buhok niya na parang hindi niya na-shampoo nang sampung araw ang kanyang mukha? 'Tapos, galaw pa nang galaw ang kanyang ulo."
"Okay, I'm sure 'yong susunod na banda, mai-in love ka sa vocalist." She sounded so sure. "Kung wala nga lang akong boyfriend, akin na lang siya, eh," aniya. "At kung papatulan lang niya ako, iuuwi ko na siya sa amin," kinikilig pang sabi niya.
"You better be sure o uuwi na ako bago pa mabasag ang eardrums ko sa ingay ng lugar na ito."
Nalibang ako sa pag-inom at pakikipag-kuwentuhan sa kanila. Nagulat ako nang biglang may nagtiliang babae sa crowd.
"Kat, here's your rock star," tawag ni Norie sa pansin ko.
Napatingin ako sa kanya. Inginuso niya ang stage. Behind the microphone stood a man in black graffiti shirt and torn jeans and with untamed wavy hair and short-growing mustache.
Nanlaki ang mga mata ko. What was this guy doing over there holding a guitar?
Lee Ryan?
BINABASA MO ANG
A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)
RomansaA Diary Of A Hopeless Romantic Booboo By Heart Yngrid