11

5.3K 117 1
                                    


"KAYA ka pala nawawala, bruho ka," I scolded Lee. Palabas kami noon ng bar.

Ngumisi lang siya. Tila bale-wala sa kanya na nadiskubre ko ang paglilihim niya sa akin. Unaffected. Carefree. Cool. Unconventional. Tamang-tama ang mga descriptions ni Norie para kay Lee.

"What a small world. Magkaibigan pa pala kayo," sabad ni Norie. Halatang amused ito sa kinasapitan ng pagtatangka nitong maging matchmaker. Si JC naman ay tila gulat na gulat sa nalaman.

"Yeah. Magkaibigan kami. Magkapitbahay kasi kami. We practically grew up together. He knows everything about me. But obviously, it's not vice versa," sarkastikong sabi ko kay Norie pero kay Lee ako nakatingin. I sneered at him.

Huminto siya sa paglakad patungo sa kotseng nakaparada sa parking lot ng bar. "Ihahatid ko na kayo," alok niya habang nakatingin kina Norie at JC. Halatang iniiwasan niya ang parunggit ko.

"Sure, papa," mabilis na sagot ni JC na malagkit ang pagkakatingin kay Lee. "Take me home. Take me anywhere you want. Take me, oh, take me..."

Kinurot ito ni Norie sa tagiliran. "No, thanks. I have a car. Si Kat na lang ang ihatid mo dahil sinundo lang namin siya. Wala siyang dalang kotse," wika ni Norie.

Tumango si Lee. "Okay. It was nice meeting you, Norie and JC."

Nang magpaalam na ang dalawa ay hinila ako ni Lee at pinapasok sa passenger's seat. Mayamaya pa ay umandar na ang kanyang kotse. Hindi na ako nagsalita. Itinutok ko na lamang ang mga mata ko sa labas ng bintana. I felt betrayed, disregarded by someone I considered my best friend since childhood.

All the while ay nagbabanda pala siya pero wala akong kamalay-malay? Iyon pala ang ginagawa niya habang nagbabakasyon sa karting. Kaya pala palagi siyang wala sa bahay nila.

Alam kong marunong siyang kumanta at maggitara pero libangan lamang niya iyon. Wala siyang nabanggit sa akin na may balak siyang maging rock star.

"What's with the outfit, huh? You look like a rocker, doll," narinig kong sabi niya.

Hindi ako sumagot. Gusto kong maramdaman din niya kung paano ang pakiramdam ng mabale-wala.

"Huwag ka nang magtampo, Kat. Hindi ako sanay ng ganyan ka katahimik. Mas gusto ko 'yong binibingi mo ako," muling sabi niya pagkaraan ng ilang saglit.

Hindi pa rin ako sumagot.

Hindi na uli siya nagsalita. Mayamaya pa ay binuksan niya ang stereo ng kotse. Dumagundong sa tainga ko ang napakalakas na ingay ng isang rock music na sinabayan pa niya.

"Patayin mo 'yan!" utos ko. He really knew how to make me talk.

Ngumisi siya at pinatay ang stereo. "Now you're talking. Look, Kat, kasisimula ko pa lang magbanda. Isang buwan pa lang. Hindi ko naman sineseryoso iyon. For me, it's just a diversion."

"Kung hindi pa kita nakitang tumutugtog, hindi ko pa malalaman," sabi ko sa mahinahon nang tinig. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Kahit kailan, hindi ako nagalit sa kanya dahil tanggap ko at naiintindihan ko ang ka-weirdo-han niya. "Wala ka talagang balak ipaalam sa akin, 'no?"

"Hindi ko naisip na mahalaga pang malaman mo. After all, iiwan ko rin naman iyon when I fly to Europe. Sasali ako sa karting competition doon."

"Aalis ka na naman? Hindi ka pa ba kontento sa second place?"

"Gusto kong maging champion na this time. At saka iba ito, Kat. I've always wanted to race in the European circuit."

"Lee..." Ayokong umalis siya. Kung alam lamang niya kung gaano ako nag-aalala sa kanya mula pa noong unang sali niya sa karting. I cared for him deeply like I cared for my family. He was like a big brother to me.

Dalawang taon lang ang tanda niya sa akin. He was always there for me then. Palagi siya sa bahay namin noon. Madalas din akong tumambay sa bahay nila. Pero nang tumanda kami, naging madalang na ang pagkukulitan at pagkukuwentuhan namin. Siguro ay dahil mula nang nahilig siya sa pagpipinta ay naging loner na siya. At nang magkainteres siya sa karting, palagi na siyang nasa ibang lugar at bansa. Aminado akong nami-miss ko ang dating samahan namin. "Hindi ka ba natatakot sa buhay mo?"

He smiled lazily. "Kung natatakot ako, noon pa sana."

"Puwes ako, natatakot ako para sa 'yo."

Tumingin siya sa akin ngunit kaagad ding ibinalik niya sa daan ang paningin dahil nagmamaneho siya. "You shouldn't. Kung 'yon ngang may katawan, hindi natatakot, ikaw pa."

"Hindi ka ba takot mamatay, Lee?"

"Hindi. Dahil lahat tayo, doon ang punta."

"Nagawa mo na ba ang lahat ng gusto mong gawin sa buhay mo kaya handa ka nang mawala sa mundo? Nakuha mo na ba ang lahat ng gusto mo? Nagmahal ka na ba? Naranasan mo na bang maging totoong masaya?"

Napansin kong natigilan siya nang bahagya. Hindi siya tumitingin sa akin.

"Ako, hindi pa. Kaya takot akong mamatay. Ayokong mamatay na hindi ko pa nagagawa at nakukuha ang lahat ng gusto ko. Gusto ko pang maranasang magmahal at makasama ang mga taong magmamahal sa akin. Gusto ko pang magkaroon ng sariling pamilya. Gusto ko pang maranasang maging totoong masaya at fulfilled," madramang sabi ko. "Ikaw, ayaw mo bang mag-asawa? Magkaanak?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Not all people can get what they want, Kat. There are things we just can't have. At kapag pinilit mong makuha, lalo lang mawawala iyon sa 'yo. That's the irony of life."

"So that's why you have to stop what you have accomplished, Lee. Kailangang makontento ka sa kung ano ang meron ka. Nakuha mo na ang second place sa Thailand. Huwag mo nang pilitin pang makuha ang first place sa Europe. Kung para talaga sa iyo ang championship na iyon, dapat ay noon pa."

"You're pulling me down, Kat. And you call yourself my best friend?" he teased, smiling.

"You jerk! At ako pa ang naging masamang kaibigan ngayon. Ayoko lang na mapahamak ka. Ikaw nga itong wala nang pakialam sa akin, eh. Parang wala na akong halaga sa 'yo para hindi mo pagsabihan kahit ganito kaliit na bagay." Iningusan ko siya.

"I know you hate rock."

"So? Hindi naman siguro kita itatakwil por que kumakanta ka ng hate noise ko. At saka hindi naman rock ang kinakanta mo kanina, ah. Alternative music 'yon. Palusot pa 'to."

I heard him exhale a soft laugh. "I sing rock, too."

"Pag-isipan mo ang mga sinabi ko, Lee," sabi ko. Gusto ko talagang magseryoso na siya sa buhay. Gusto kong magkaroon ng direksiyon ang kanyang buhay. Maging painter man siya o rock star, basta huwag lang race car driver.

"Ano ro'n? 'Yong dramatic monologue mo?" He grinned. Pagkatapos ay ginaya niya kung paano ako magsalita. "Gusto ko pang maranasang magmahal at makasama ang mga taong magma-mahal sa akin. Gusto ko pang magkaroon ng sariling pamilya. Gusto ko pang... hu- hu-hu..."

"Tse!" sabi ko, sabay hampas sa kanyang balikat.

o:QU

A Diary Of A Hopeless Romantic Booboo COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon