chapter 1

531 9 2
                                    

Sophia's POV

Nandoon na naman sya. Seryosong nakasandal sa pader kung saan malapit ang pintuang papasok sa classroom nila. Namula ako. Hindi ko alam kung bakit. Mula nung araw na nalaman ko pangalan nya, Mula nung araw na nag krus ang landas namin. Hindi na sya nawala sa isip ko.

Yes. Truth to be told, nasa iba syang classroom. Stem sya while HumSS naman ako. Pwedeng pwede sa kantang 'magkaibang mundo' ni Jireh Lim ang team song namin. Just kidding.

"Lapitan mo na, sige na" Sabi ni Chloe habang tumatawa. Tinignan ko sya ng masama dahil sa pang aasar niya sakin. Wala kase sa lugar eh. Kung kelan malapit kami sa kanya, saka nya ako aasarin. Mahirap na baka malaman pa nya yung true feelings ko para sa kanya.

"Kelan nya kaya ako mapapansin? May gf na kaya sya? Sana naman wala pa para naman magka chance din akong mapalapit sa kanya" bulong ko sa sarili ko.

"Eh bakit nga kase di mo nalang sya lapitan at kausapin? Para naman alam mo ang​ sagot sa mga tanong mo diba?" Sabi nanaman ni Chloe, pero bilib din naman ako dito eh noh? Narinig pa nya yun?

"Eh ano namang sasabihin ko sa kanya? Saka ok na yung nag babatian kame pag nag kikita kame or nag kakasalubong, masaya nako sa ganun"Sabi ko.

"Hayy naku bahala ka na nga, Tara punta nalang tayong canteen kain na tayo gutom nako eh" angal nya

"Lage ka namang gutom eh, kelan ba hindi?" Pang aasar ko sa kanya

"Wow, nag salita ang hindi hahahaha" ganti nya sakin kaya bumaba na kame at kumain sa canteen.




(A/N: sorry sa short update hehe, iisipan ko pa ng kasunod, thanks for reading 😊😊)

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon