*kinabukasan*
Nag lalakad nako papuntang school dahil nga walking distance lang naman, dipa ko masyadong nakakalayo sa bahay namin nang biglang may humintong tricycle sa tabi ko
"Ate!! Tara, sabay kana" Sabi nya sakin, nakaback ride kase sya kahit wala naman tao sa loob ng tricycle
Kinilig naman ako dun bigla hehe enebe at sino pa nga ba ang mag papakilig sakin nang ganun? Walang iba kundi ang napaka gwapong si Jeremy.
"A-ah hindi ok lang, nakakahiya naman kaya ko nang lakarin toh" Sabi ko naman. Nahihiya naman din kase ako.
"Sige na ok lang yan, Tara na" pamimilit pa nya.
"Hindi na, may dadaanan pa kase ako eh hehe" pag dadahilan ko para di na sya mag pilit at ayun nga umandar na yung tricycle palayo at nag lakad na ako ulit.
Pag akyat ko sa third floor ay bumungad agad sya sakin
"Sabi ko sayo dapat sumabay ka nalang sakin ee" nakangiti nyang sabi
"Eh hindi na, nakakahiya naman" ako
"Ok lang naman yun" sya
Napangiti naman ako dun
"Anyway ano nga pala name mo? Medyo matagal narin naman tayo nag babatian pero diko parin alam name mo" tanong nya
"Sophia" pakilala ko
"Ah, nice name huh, thanks Sophia" sya
"Ah sige pasok nako sa room ah" paalam ko
"Ah sige Sophia" sya
^_^
At yun nga nakangiti akong pumasok sa room namin
"Yiiieeee, close na sila ni Jeremy" panunukso naman ni Louise, actually Louie talaga name nya pero dahil pusong babae daw sya Louise nalang daw hahaha
Pero nagulat din ako kase narinig pala nya yung pag uusap namin ni Jeremy pero sabagay sino nga bang hindi makakarinig samin eh sa tapat lang naman ng room namin kame nag usap. Hayyy naku Sophia common sense naman tsk
"Hala di naman masyado hahaha nag usap lang naman eh" Sabi ko naman. Pag tingin ko naman sa katabi nya na si Keisha na kaibigan ni Jeremy ay nakita kong nakangiti rin sakin. Oh my sana naman di nila nahahalata. Kaya umiwas nalang ako ng tingin at naupo.
Pero diko parin talaga maiwasan ang hindi mapangiti dahil sa kilig
"Hoy hoy, Sophia!!! Ano nanaman ngiti yan huh?" Tanong ni Alice
"Wala, nakangiti ba ako? Di naman ah" Sabi ko
" Hayy naku wag nga ako Sophie at baka masapak lang kita" Sabi nya
"Hahahahaha kaw naman highblood ka agad ang aga aga eh" biro ko
"Para ka kayang baliw dyan kanina pa ngiti nang ngiti, bakit nakita mo nanaman crush mo?" Sya
"Oo, pero hindi lang yun..." Pambibitin at kinikilig kong sabi
"Oh ano? Sabihin mo na, nambibitin pa eh, pag ako nainis sipain pa kita dyan eh" Sabi nya
"Sungit naman, PMS?" Tanong ko
"Oo kaya wag ka magulo, saka ituloy mo na kwento mo" utos nya.
"Wow thank you ah, sige na ikukwento ko na kahiya naman sayo eh" sarcastic kong Sabi
"Bilisan mo" utos nya pa. Kaya kinuwento ko na nga yung nangyari
"Hayy naku walang POREBER!!" Sigaw nya na pinag diinan pa yung word na poreber. Baliw talaga
"Heh!! Wag ka nga! Panira ka eh" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomanceSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...