"hayyy, Ang bilis talaga ng panahon. Kailangan ko na ulit bumalik ngayon dun sa tito ko. Hayyst 1 week lang bakasyon dahil dyan sa sportsfest, Kung wala sanang sportsfest 2 weeks sana bakasyon pero ok lang din mukang mag eenjoy din naman ako. Kaya lang di parin ako nakakapag practice ng chess. Wala kase ako mahiraman dito sa Valenzuela eh. Pero keri lang naman siguro yun may 3 days pa bago ako lumaban" napabuntong hininga kong sabi sa isip ko. Nang biglang may sumigaw sa tenga ko.
"Sooopphhhiiiaaaa!!!" Sigaw ni kuya
"Ano??!!! Kailangan sumigaw? Huh? Malayo ako? Malayo? Gosh!!!balak mo pa yatang basagin eardrums ko" bulyaw ko rin sa kanya.
"Eh sorry naman, eh pano naman kase kanina pa ko salita nang salita dito di ka naman pala nakikinig!!" Sabi nya na medyo malakas parin yung boses.
"Eh may iniisip kase ako. Saka ano ba kase sinasabi mo?" Irita kong tanong.
"Eh kase ho tinatanong ko lang sana kung ayos naba yung gamit mo para mamayang pag alis mo ok na lahat. Saka ano oras ka ba aalis?" Kuya
"Ah ok na lahat, nakaayos na, saka mamayang hapon pa ako aalis mga 4pm ok na? Saka bakit? Gusto mo na ko umalis agad?" Sabi ko.
"Ah di naman sa ganun hehe natanong lang, kaw naman masyado kang matampuhin lab na lab kaya kita" Kuya
"Plastic" bulong ko
"Ano??" Tanong nya
"Ah Wala, Sabi ko ang gwapo mo" natatawa kong sabi
"Oh? Ngayon mo lang napansin? Tagal na kaya" pag yayabang nya
"Whoooo, hangin parang bagyo na sa lakas ah" pang aasar ko
"Ayaw mo nun? Di na mainit kase mahangin na?" Biro nya
"Ewan ko sayo, corny mo" Sabi ko nalang
"Atleast gwapo"
"Ikain mo na yan, gutom lang yan, Sabi ko kase sayo wag ka papagutom eh, tignan mo epekto sayo" pang aasar ko pa at umakyat na sa kwarto ko.
__________
"Oh mag iingat ka nak huh? Wag mo kakalimutang mag dasal" bilin ni daddy. Hinatid nya ko sa terminal ng tricycle
"Opo, I love you Daddy" Sabi ko sabay kiss sa cheeks ni daddy
"I love you too, take care, byeee" paalam nya. At sumakay nako sa tricycle
Hayyy aalis nanaman ako. Mamimiss ko na naman sila.
BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomanceSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...