chapter 12

69 3 15
                                    

"Pano ba ito? Di naman ako marunong sa ganito eh kaya bakit ako pa?" Angal ni Chloe

" Eh itatry ko lang naman kung ano ano pa yung mga naaalala ko dito"

"Eh dapat kase sa marunong ka mag patulong para may mag sasabi sayo kung mali o tama ba yung mga ginagawa mo, hay naku"

"Eh wala nga kase akong kilalang marunong dito"

"Try mo sa mga lalaki, marami sa kanila tiyak na marunong, saka si JC marunong yun ah, bat dika nalang dun mag paturo?"

" Bakit? Nakikita mo ba si JC ngayon dito?"

Napalingon naman sya sa buong room at nang nakita ngang wala nga si JC at nginitian nalang nya ko ng pagka tamis tamis at laki.

"Sabi ko nga wala pa sya eh hehe" sabay peace sign sakin

"Hayy naku"

"Ako, di mo ba ako tatanungin Kung marunong ba ako sa chess?

Nagulat naman ako sa biglang nag salita sa gilid ko, si Kian lang pala

"Oh ayan naman pala si Kian eh, sa kanya ka nalang paturo alis muna ako ah, cr lang saglit" at bago pa ko makasalita ay nakaalis na sya sa room

"Oh ano? Tuturuan mo ko habang inaasar mo nanaman ako? Wag nalang marami pa naman sigurong iba dyan na marunong" Sabi ko

"Grabe ka naman sakin, pero sige ikaw bahala basta ako nag mamagandang loob lang, ngayon kung ayaw mo edi wag ituturo ko pa naman sana sayo mga techniques para maipanalo mo yung laban per---"

"Aiishh, oo na sige na turuan mo na nga ako dami pang sinasabi eh"

"Aba! Ikaw na nga lang manghihingi ng tulong kaw pa galit huh, pasalamat ka mabait at gwapo ako kaya pag bibigyan kita"

"Psh, yabang talaga"

"Oh sige na, eto na, Alam mo pa ba kung paano ang arrangements nito?"

"Ok I'll try" sabay hingang malalim

At inayos ko na nga yung mga officials at pawns sa kanya kanyang pwesto

"Oh ayan, marunong ka naman pala mag ayos eh"

"Marunong nga pero nakalimutan ko naman yung mga moves nila"

"Ok ganto lang yan...." Tinuro nya na nga sakin lahat ng moves ng bawat officials at ng pawns.

"Get it?" Tanong nya

"Yeah, I get it"

"Ok good, just always remember that you should think first kung ano ang mga igagalaw mo, kailangan sa bawat galaw mo iisipin mo muna na kung igagalaw mo toh ano mangyayare? So dapat habang tumitira pa yung kalaban mo pag aralan mo na agad yung igagalaw mo basta lage mo lang protektahan yung king and queen mo kase pag nacorner na yung king and queen mo talo ka na"

"Ok noted, and thanks for helping me with this kahit na mapang asar ka"

"Yes of course, mabait naman ako. Gusto ko lang naman na mapansin mo ko kahit inis ka sakin ok lang basta kinakausap at binibigyan mo ko ng kahit konting atensyon"

"Huh? Ano ulit yung huli mong sinabi? Diko masyadong narinig eh, Yung una lang naintindhan ko" actually medyo narinig ko naman pero diko lang sure kung yun ba talaga sinabi nya

"Wala, Sabi ko mabait naman talaga ako at gwapo pa" sabay pogi sign pa nya

"Hmmp, yabang parin pala" bulong ko

"Huh?"

"Wala, Sabi ko ang gwapo mo sana kaso bingi ka lang" Sabi ko sabay tawa ng malakas, pag tingin ko naman sa kanya naka grin naman sya sakin kaya napatigil ako sa pag tawa

"Oh? Bakit ganyan ka maka ngiti?" Taka kong tanong

"So inaamin mo ring nagagwapuhan karin sakin? Sabi ko na nga ba may HD ka sakin eh"

"HD?"

"Hidden desire"

Aa hidden desire lang pala kala ko.....Teka...whaaattt??!! Siraulo ba sya??

"Whhhaaaatttt???!!! Pinag sasabi mo? Adik ka ba? Sabi ko sayo tigil tigilan mo na kaka drugs mo eh"

"Oo adik shgdg" bulong nya na di ko nanaman narinig

"Huh?" Adik?? So totoong adik sya? Wtf!!

"Wala, Sabi ko bingi mo"sabay halakhak nya

"Hindi eh may sinabi ka talaga, don't tell me nag aadik ka talaga?!! Naku Kian kung ako sayo tigil tigilan mo yan dahil di yan mabuti sayo masisira lang bu--"

"Wait wait wait, ano? Seriously? Mukha ba kong adik para pagkamalan mong gumagamit ako ng pinag babawal na gamot?!!" Gulat na tanong nya

"Oo?"

"Hayy naku paranoid ka lang hahahaha"

Nag asaran lang kame nang nag asaran hanggang sa tinawag na kameng lahat para mag practice na ulit ng sayaw.

(After practice)

"Ok guys, we are all aware that tommorow will be the third day of our sportsfest. Ibig sabihin, bukas na tayo mag peperform so we should practice more bago tayo mag perform bukas sa stage. Kailangan ayos na lahat lahat para maayos din tayo tignan pag sumayaw na tayo, at para tumaas ang chance nating manalo. So I'm ​expecting you're kindly cooperation. Mamaya mag sesend ako sa gc ng music natin and kayo na bahala mag practice sa bahay ninyo. Para bukas formation at yell nalang gagawin natin. Is that clear yellow team?" Paliwanag ng choreo namin na grade 12 na.

"Yes" sabay sabay naming sagot

"Ok so tomorrow all of us should be here at 7am so we can have more time to practice our dance steps ok?

"Yes"

Whoooo ka-stress na talaga, bukas na ko agad mag peperform at baka bukas narin ako lalaban. Kinakabahan na ko ngayon palang whoo kaya mo yan Sophia fight lang nang fight

"Huy Sophia!!"

Muntik nakong mapatalon nung narinig ko yung tumawag sakin. Kala ko naman kung sino na yun naman pala si Chloe lang kung makasigaw naman parang ang layo ko ee noh, kainis

"Oh? Bakit ba? Maka sigaw naman parang ang layo ko sayo ee noh"

"Sorry naman, eh kase naman kanina pa kame daldal nang daldal ni Alice dito di ka naman nakikinig. Kinakabahan ka noh?"

"Oo malamang ee kase naman bukas na agad yung performance di ko pa nga kabisado masyado yung steps tapos yung chess pa feeling ko talaga matatalo ako ee"

"Ano kaba? Kayang kaya mo yan, kaw pa ba? Don't lose hope"

"Teka nga, San naba sila Amber? Tagal naman nila" pag change topic ko

"Ah nasa room pa nila nag papractice pa, saglit nalang daw sya sabi nya kaya dito na muna tayo"

Nag kwentuhan lang kame nang nag kwentuhan habang hinihintay si amber at saka yung iba pa. Nung dumating sila ay sabay sabay na kameng umuwi dahil pare pareho na kameng pagod at masakit ang katawan.
Ugghhh, I need more rest para bukas.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon