chapter 2

328 4 7
                                    

"Tita, Tito, una na po ako" paalam ko kina Tito at Tita.

"Oh sige ingat ka" Sabi naman ni tita kaya lumabas nako

Eto ako ngayon nag lalakad papuntang school. Malapit lang naman kase yung school na pinapasukan ko kaya lakad lang ako.

Dire-diretso lang akong umakyat sa taas, nasa third floor kase kame eh. Pag pasok ko naman sa room nakita ko naman mga kaibigan ko. Kaya as usual pag dating yakapan tapos konting kwentuhan dahil maaga pa naman.

"Sophia" biglang tawag sakin ni Keisha

"Oh bakit?" Nakangiti ko namang sagot

"Pede pahingi ng favor?" Tanong nya, bigla naman tuloy ako kinabahan.

"Basta kaya ko hahaha ano ba yun?" Curious kong tanong.

"Usap nalang tayo sa labas, dyan lang sa corridor" Sabi nya.

"Ah sige, ahmm guys wait lang huh, kausapin lang ako ni Keisha" paalam ko

"Ah sige ok lang" Sabi ni Alice

"Uy, ano gagawin mo kay Sophia?" Pang aasar na tanong naman ni Rena.

"Mag uusap lang naman grabe talaga kayo" nakapout na sabi ni Keisha.

Nakitawa nalang din ako at tumayo nako at lumabas na kame sa tapat lang ng room namin at nag start na syang mag salita...

"Sophia, pede ba akong mag pasulat sayo sa cardboard? Di kase ako magaling mag lettering ee" pag sisimula nya.

"Ah yun lang pala, sige ba, pero bakit ako? Di naman ganun kaganda sulat ko ah" Sabi ko

"Hindi kaya, nakita ko na sulat mo kaya alam kong mganda ka mag sulat, saka babayaran nalang kita. Ang isusulat mo lang naman is tula, andito na yung papel isusulat mo nalang sa cardboard" pag papaliwanag nya.

-__-

Ok, di naman halatang pinag handaan nya talaga to eh noh?

"Ah ok, pero susulatin ko naman yan kahit di mo nako bayaran kaya wag kana mag abala pa" Sabi ko naman

"No, I insist" sagot nya

At dahil mukhang diko naman sya mapipilit ay tumango nalang ako as a sign ng pag suko. Pero kahit medyo naguguluhan pa ko kung para saan yun, di ko na lang tinanong pakialam ko naman, baka sa journ lang toh. Kaya pagkatapos nyang iexplain yung mga gagawin ko ay pumasok na kame sa room at binigay sakin ang ten 1/4 cardboards, so eto ako ngayon di malaman kung saan ilalagay tong mga cardboards na toh. Buti nalang talaga mabait ako hahahaha, wag na kumontra, support nalang

^_^

"Oh ano yan? Para saan yan?" Tanong ni Chloe sakin, sasagutin ko na sana sya nang maalala ko yung bilin ni Keisha na wag ipag sasabi kahit kanino kaya..

"Secret, walang clue" Sabi ko nalang.

"Aish, Ang daya naman, ano nga yan? Kanino Yan? Para saan?" Tanong ulit ni Chloe

=_=

hayy naku Ang kulit talaga.

"Tsk. Secret nga diba? Kaya diko masasagot yan" Sabi ko.

At ayun na nga, mag hapon lang silang nangulit sakin tungkol sa mga cardboards nayun, pero syempre dahil mabait ako, diko parin sinasabi hahahaha.

^_^

Nung nag uwian na dali-dali akong nag ayos at lumabas na, kasabay yung mga kaibigan ko at bumaba na kame. At in fairness naman ay may kabigatan din tong dala ko dahil sa dami nito saka ang laki pa kaya ang hirap mag lakad dahil diko makita masyado yung sahig.

"Oh guys sige na babye na, una nako kelangan ko pa toh gawin dahil kelangan nato bukas, bye!" Paalam ko sa kanila.

"Ok sige ingat" sabay na sabi ng mga kaibigan ko.

At tuluyan na nga akong lumabas at umuwe na dahil kelangan ko na toh masimulan para matapos agad, matinding puyatan nanaman toh, buti nalang walang assignment ngayon.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon