chapter 4

155 5 17
                                    

Pagkapasok ko sa room wala pa mga kaibigan ko kaya sinimulan ko na agad yung pag susulat, pero di parin talaga mawala yung sakit sa dibdib ko(kahit wala ako nun) dahil sa nalaman ko, Kaya pala tungkol sa love tong tula nato eh, pang surprise pala nya.

Maya-maya dumating na mga kaibigan ko at tulad nga kahapon ay nag tanong nanaman sila ng nag tanong, pero diko parin sinagot, secret lang ang lagi kong sagot sa kanila.

"Whooo, walang poreber!!" Sigaw ni Alice, eh pano kasi binasa nya pala yung ibang nakasulat dun sa cardboards na natapos ko.

"Oo nga eh,,sarap sabihin mag hihiwalay din sila sa twintitri" bitter kong sabi

Hanggang sa dumating na yung first teacher namin at tinigil ko muna ang pag gawa. Syempre naman ayoko ngang mapagalitan ng teacher ko dahil lang sa pag gawa nung banner nayun para sa anniversary surprise ni Jeremy sa 'GF' nya.

Lesson
Lesson
Recess
Lesson
Lesson
Lunch
Lesson
Lesson
Recess
Lesson
Lesson

"Ok class,,class dismissed" Sabi ni mam Grace, last teacher namin sa EAP na actually sya ang favorite teacher ko. Hihihi.

"Goodbye mam Grace" paalam namin, at bumalik na sa room namin, nag merged lang kasi kame sa ABM.

Nag pray lang kame saglit at nagsi-alisan na ang mga kaklase ko, ako naman ay sinimulan na ulit harapin yung mga cardboards para matapos na.

"Guys, Mauna na kayo, tatapusin ko pa kase toh eh, sige babye" Tapos nag beso beso at yakap lang saglit at umalis na sila.

Habang nag susulat nako, biglang pumasok sa room si Jeremy.

"Kamusta? Ok na ba?" Tanong nya

"Ah patapos na, last nato tapos ok na" sagot ko

Tapos umupo sya dun sa lamesa na pinag susulatan ko(Yung lamesa ng teacher sa harap) tapos tinignan nya yung mga gawa ko

"Sana pala nung nakaraan pa ko nag pasulat sayo noh" Sabi nya

"Ah oo nga eh, para naman napaganda ko pa" Sabi ko

"Maganda naman ah" Sabi nya

Kinilig naman ako dun ng berilayt. Kaya naisip ko mag joke

"Kasing ganda ko ba?" Biro ko habang nakangiti

"Hahahahaha(sabay tayo tapos humarap sakin) pwede pwede hahahaha" natatawa nyang sabi

Omg!! Ang cute nya tumawa, nakakainlove lalo

"Hahahaha, yaan mo nako ah, ganto lang talaga ako hahaha medyo baliw" natatawa kong sabi

At habang nag tatawanan kame habang nag susulat ako, nag sipasukan naman bigla yung mga kaibigang lalaki ni Jeremy na taga ict at nakipag bro-hug sa isa't-isa​.

"Sige iwan ko muna kayo ah sisilipin ko lang si Joan sa baba" paalam ni Jeremy at tumango naman yung mga kaibigan nya at naupo sa mga upuan dun.

Bigla naman dumating si Chloe at nilapitan ako

"Oh Sophia, ok kana? Tapos naba?" Tanong nya

"Oo konti nalang" sagot ko at tumango lang sya

*After few minutes...*

"Ayan!! Tapos narin" masaya kong sabi

At inayos ko na lahat saka binigay sa mga taga ict at bumaba narin kame ni Chloe.

Pag baba namin nakita na namin si Jeremy at mga kaklase nyang lalaki na nag aabang na kaya nginitian ko na lang sya

"Ok na, pababa na sila" Sabi ko at tumango

Tumango lang din sya

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon