Amber's POV
"Amber anak, pwede bang pumunta ka sa mall at bilhin mo itong mga toh para sa stocks, paubos na kase mga stocks natin dito eh"
Nag lalaro ako ng imvu dito sa salas nung bigla akong tawagin ni mama.
"Ayoko ma, si Ally nalang" sagot ko kase ang sakit talaga ng katawan ko and syempre medyo tinatamad din hahaha (medyo lang naman)
"Hindi pwede dahil nag aaral yung kapatid mo kaya wag mo nang istorbohin. Kaya bilisan mo na kumilos dyan" sabi ni mama na nag bibilang na ng pera para pambili
"Nag aaral? Eh sportsfest naman ngayon ah, walang klase so bakit nag aaral kapa? 1week kaya yun duh" kontra ko
"Di naman ako tulad mo noh na pag walang klase di narin binabasa yung mga notes" sagot ni Ally
"Hah! If I know excuse mo lang yan para dika mautusan" ako
"Tss" Ally
"Hayyy naku tama na nga yan, mag ayos kana lang amber, hindi yung inaaway mo pa kapatid mo dyan, eto na pambili mo" sabay abot ng pera sakin. Pag lingon ko naman dun sa bruha nag belat lang sya sakin. Kainis talaga.
"Psh, whatever" sabay buntong hininga at akyat sa kwarto. Wala naman akong choice ee dahil pinag tulungan na nila ako. Palibhasa wala si papa. Wala tuloy akong kakampi. Hayyy buhay.
After ko mabili yung mga pinabibili ni mama, naisip ko na mag ikot-ikot muna saglit. Pinaiwan ko muna sa baggage counter yung mga pinamili ko para di masyadong hassle sa pag bibitbit habang nag iikot-ikot ako.
Habang nag iikot-ikot, nadaanan ko yung NBS so I've decided na pumasok muna saglit para mag tingin tingin ng kung ano-ano.
Inuna ko muna tignan yung mga Wattpad books kung meron na silang Wattpad book na hinahanap ko.
Mahilo-hilo na ako kakahanap ng book nayun pero wala parin talaga.
Pero di ako susuko! Kung kailangan kong isa-isahin lahat gagawin ko mahanap ko lang yun.
Hanap.....hanap...hanap.....ayun!! Pagkakita ko nung librong gusto ko ay kinuha ko agad ito at tinignan, nang masiguro kong yun nga yung hinahanap ko at lumakad nako papuntang counter para bayaran yung libro.
Habang papunta akong counter, binaliktad ko yung libro at binasa-basa yung description sa likod. Nang biglang bumangga ako sa.......
Pag angat ko ng tingin, Hindi ako makapaniwala sa nasa harap ko.
Si Bebe ko JC!!!!!
Waaaaaaaahhhhhhh!!!! Ang gwapo nya!!!sheeezzz!! I think it's destiny waaaaaaaahhhhhhh!!!
Pigil na pigil ako sa kilig dito para lang di nya ko mahalata lalo na nung ngumiti sya waaaahhhh!!!
"Uy Amber ikaw pala yan hi!" Nakangiting bati nya
"H-hi! Hehehe, oo eh nag hahanap hanap lang ng librong gusto ko, i-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na pilit na pinipigilang mautal
"Ah, pareho pala tayo eh, nag hahanap-hanap din kase ako ng mga librong magandang basahin" sabi nya
Oh my gosh baka meant to be na tayo, yiiieeeee
"Ah, mahilig ka rin pala sa mga ganito?" Tanong ko
"Oo naman, lalo na yung mga love stories pero di ako bakla ah, gusto ko lang talaga toh pang past time" sagot nya
"Naku wag kang mag alala dahil di lang naman ikaw yung lalaking mahilig mag basa ng Wattpad books" sabi ko
"Yeah right" nakangiting pag sang ayon nya
"Anyway, nakapili ka na ba ng libro?" Tanong ko
"Ah yes, actually papunta na nga sana ako sa counter kaso may tumawag sakin kaya huminto muna ako saglit, saktong pagkababa ko ng phone ko nang biglang may bumangga sakin at ikaw pala yun hahahahaha" paliwanag nya
"Ah oo nga pala, sorry ah? Binabasa ko kase yung description habang nag lalakad kaya di ko napansin yung nasa harapan ko" paliwanag ko rin
"It's ok, pero next time mag iingat ka na huh?" Nakangiting payo nya
"A-ah sige tatandaan ko yan" nakangiti ring sabi ko
"Tara na sa counter" aya nya
"Sige" sagot ko
Nung nasa counter na kami, nag labas nako ng pera sa wallet ko pambayad nang bigla nya akong pigilan.
"Ako na" sabay abot ng pera sa cashier
"Salamat" sabi ko matapos nyang mabayaran yung mga pinamili namin
"You're welcome" nakangiting tugon nya
"Ah may gagawin o pupuntahan ka pa ba ngayon?" Biglang tanong nya kaya bahagyang natigilan ako at nilingon sya.
Oh my gosh!!bakit nya tinatanong? Aayain nya ba akong makipag date ngayon?!! OMG!! Ano gagawin ko?!! Omygosh!!ikennat!!!pwedenakomamatay waaaaaaaahhhhhhh!! Ay teka, joke lang pala, di pa ako pwede mamatay kase mag tatapat pa sya sakin ng nararamdaman nya tapos liligawan pa nya ako tapos magiging kami pa tapos mag popropose pa sya sakin tapos mag papakasal pa kami tapos mag kakaanak pa kame tapos apo pagkatapos nun, dun palang ako pwedeng mamatay kasama nya. Waaaahhhh excited na--
"Amber?"
Naputol yung pag iisip ko nang biglang may tumapik sakin.
"H-huh? Ano yun ulit?" Tanong ko nang malaman kong sya pala yung tumapik sakin.
"Tinatanong kita kung may gagawin o pupuntahan ka pa ngayon?" Tanong ulit nya na parang nag tataka pa sa kinikilos ko
"A-ah hehehe w-wala naman bakit?" Nahihiya kong sagot
Nakakahiya ka Amber!!!!baka mahalata ka huhuhuhu ang tanga-tanga naman
(TT)
"Pwede mo ba akong samahan kumain dun? Nagutom kase ako dun eh" kakamot-kamot sa batok na sabi nya
"Ah sige" pigil ang kilig na sabi ko
Ngayon gusto ko nang pasalamatan sila mama at ally dahil sa pag uutos nila sakin na pumunta dito para mamili.
^_^V
Nag meryenda lang kami saglit habang masaya kaming nagkukwentuhan at nag tatawanan.
Palabas na kami sa isang cafe nang biglang mag ring yung phone ko....
Mama💕💕calling
"Hello ma" sagot ko
"Nasan ka nang bata ka?! Ang tagal mo naman?!" Pasigaw na sabi ni mama kaya bahagya ko pang nailayo yung phone ko sa tenga ko at napapikit
"Teka ma, easy -- may dinaan lang ako saglit saka bumili ako nung libro pero papauwe narin po ako" paliwanag ko
"Ok sige mag iingat ka. Bye" sabi nya na huminahon na
"Sige po ma, bye" paalam ko saka ko binaba
"Ah jc sorry, kailangan ko nang umuwe, hinahanap nako nila mama eh, thank you sa treat mo sakin sa libro saka pagkain" sabi ko kay jc
"Ah wala yun basta ikaw. Salamat din sa pag sama sakin sa pagkain. Sige hatid na kita sa sakayan at uuwe narin ako dahil baka hinahanap narin ako ng mga kapatid ko. Tara" sabi nya
Oh my God kotang-kota na ko sa kilig ngayong araw hahahahaha
Ganun nga ang nangyare. Dinaanan ko lang saglit yung mga pinamili ko kanina at hinatid nya ko sa sakayan saka nag abang ng panibagong Jeep pauwe sa kanila. Kumaway lang ako sa kanya saglit at sumakay na.
Mula doon hanggang bahay ay hindi na natanggal any mga ngiti sa labi ko. May maikukwento nako kay Sophia na moment namin ni JC hahahahaha
BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomanceSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...