"hayyy, wait nga, ganto ba dapat? Parang ang panget naman, tatanungin ko na nga lang si Keisha" pag kausap ko sa sarili ko, eh pano naman kase para akong napepressure dahil may bayad toh, ayoko naman madisappoint si Keisha sakin.
Kaya ayun, chinat ko na nga si Keisha para matanong kung panong format gagawin ko. Saka pinabili ko nalang rin sya ng extra pentel pen at 2 extra cardboards dahil kulang na toh ng 2 dahil nagkamali ako. Saka sinabi ko narin na pumasok sya ng 7:00 am bukas para matapos ko agad dahil 8:00 am pa naman ang start ng klase.
"Oh Sophia, alas 12 na dika pa ba matutulog? Bukas mo nalang yan ituloy" Sabi ni tita sakin.
"Sige po tita, matutulog narin po ako tatapusin ko lang po itong isang toh" nakangiti ko namang sabi.
Hayyy nakaka lima pa lang ako na nagagawa, kulang pa ng lima pa. Sana talaga matapos ko toh agad bukas.
At nang matapos ko na yung isang cardboard at nag alarm nako ng maaga para mabilis kong matapos at maibigay ko na kay Keisha.
_____
To: Keisha
6:46amBeh, pasok ka maaga ah, saka wag mo kalimutan yung cardboards saka Pentel pen, thanks
From: Keisha
6:48Ah sige, pero di ako makakapasok ng maaga, di bale may mag dadala naman dyan nung cardboards saka Pentel. Sya mag bibigay sayo
To: Keisha
6:48Ah ganun ba? Sige ok lang pero Sino ba mag bibigay?
From: Keisha
6:49Basta
Napaisip pa ko saglit kung sino kaya yung mag bibigay? Hayy, makapag ayos na nga para matapos nako agad dito.Tapos nun nag simula nang mag ayos at umalis.
Malapit nako sa tapat ng gate nang may makita ko si Jeremy na may dala na cardboards. Kaya naisip ko na baka kasamahan lang toh ni Keisha sa journ.
Dire-diretso lang ako nang lakad kahit na pigil na pigil ang kilig at pag ngiti ko dahil nakita ko agad si crush ngayon at habang palapit ako napatigin din sya sakin tapos tumitig lang kaya medyo nailang ako ng konti tapos nung lalampas na sana ako sa kanya bigla nalang nya kong hinarang at nag salita...
"Ikaw po ba yung kaibigan ni Keisha na pinagawa nya sa cardboards?" Magalang na tanong nya
"A-ah o-oo, b-bakit?" Medyo utal kong tanong, kainis kana di nya nahalata
"Ah kase po sabi ni Keisha sakin kulang daw ng 2 cardboards kaya pinadala nya sakin at pinabibigay sayo" sagot nya
"A-ah oo nga, ikaw pala yung tinutukoy nya na mag dadala, oh sige salamat". Sabi ko. Kukunin ko sana kaso di nya binigay at nag dire-diretso sa pag lalakad kaya habang papasok kame ng gate at bitbit bitbit nya ito. Kaya lihim din akong napangiti.
At habang nag lalakad kame ay nararamdaman kong medyo nahihiya pa sya kaya kinausap ko muna sayang din tong moment nato noh kaya lubusin na hahaha minsan lang Naman ee😅😅.
"Ahmm, mag kapit bahay ba kayo ni Keisha? Kase nakakagulat lang na nasabihan ka nya agad eh hehehe" umpisa ko.
"Ah hindi naman, tinext nya lang ako na kailangan daw toh. Saka......" Medyo nag aalangan nya pang Sabi
Tumingin lang ako sa kanya as a sign na naghihintay ako sa sasabihin nya.
"Saka sa totoo lang akin kase toh, ako talaga ang nag papagawa, humingi lang ako ng tulong kay Keisha kung kanino ako pede mag pagawa pero wag mo muna sana ipag sasabi ah kase surprise ko sana toh sa girlfriend ko" paliwanag nya
Gusto ko sana kiligin dahil pinag katiwalaan nya ko at nag sabi sya ng secret sakin pero nangingibabaw parin ang sakit sa puso ko dahil napag alaman kong meron pala syang gf. Di na pala kame pwede. Di pa man din nag sisimula talo na agad ako.
"A-ah g-ganun ba? Ang sweet mo naman pala, anniversary or monthsary?" Sabi ko nalang para di nya mahalata yung sakit na nararamdaman ko.
"Ah di naman masyado hehe(sabay kamot sa batok) anniversary na"
"Ah ganun ba? Good luck, sige dito na ko sa room pasok nako, salamat sa pag dala" paalam ko dahil parang nang hihina nako sa sakit.
"Ah sige salamat din😊😊"
BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomanceSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...