"waaaahhhhh, Ang gwapo talaga ni Nico"
"I love you nicoooo"
Yan ang mga naririnig kong mga sigawan dito sa gymnasium. Nauna kase mag peperform yung mga muse and escort ng bawat team kaya yung mga tao di magkamayaw sa kakasigaw lalo pa at sila Nico ang nauna na mag perform. Bukod kase sa member sya ng varsity ay talagang gwapo rin kaya marami rin syang fans. Medyo may kayabangan nga lang.
Anyway highway, Wala naman akong pake sa kanila dahil andito lang ako sa bleachers at nag papractice lang ng chess for the game later pero baka ipag pabukas nalang dahil baka di kayanin ng time dahil mag peperform muna each team ng dance number.
"Isipin mo mabuti yung mga minomove mo para dika matalo"
Sabi nitong nasa harap ko, nag lalaban kase kame ngayon para daw makapag practice ako
"Oo na" inis na sabi ko, pano kase paulit ulit na yang line nyang yan.
Nag iisip nako ng ititira ko nang biglang may nangalabit sakin kaya napalimgon naman ako dun sa nangalabit sakin and...
"Pwede ako naman sunod sa kanya after that game? Tayo naman mag laban" nakangiti nyang sabi sakin
OMG!!I'm gonna die!!
"Ah bro dipa kase sya masyadong marunong kaya tinuturuan ko palang" singit naman nitong kumag na nasa harapan ko
"Oh Kian ikaw pala yan hehe ganun ba? Eh bakit ka sumali sa chess game natin?" Tanong nya sakin
"A-ah di naman sa di marunong nakalimutan ko lqng dahil bata pako nung last kong laro nito kqya medyo limot ko na yung mga moves hehe" omg!! I'm doing my best not to stutter. Pano naman kase pigil na pigil na yung kilig ko dito. Ang cute talaga ngumiti ng Jeremy my loves kooo
"Ah ganun ba? Sige kame nalang muna maglalaban ni Kian tapos panuorin mo kame para makabisado mo lahat ok Lang??"
"Sure" tapos tumayo nako para makapwesto na sya sa pwesto ko at makapag laro sila ng maayos.
Habang nag lalaro sila panay ang sulyap ko sa mukha ni Jeremy at masasabi kong di ka talaga mananawa titigan yung mukha nya dahil napaka gwapo talaga nya. Pero syempre diko naman sya pwedeng titigan dahil baka mahalata pa ako kaya tumitingin tingin din ako sa stage kung saan nag peperform yung mga muse and escort tapos dun naman ako tumitingin sa chess board ganun Lang ako paulit ulit, tingin kay jeremy - tingin sa stage - tingin sa chess board maya maya biglang nag salita si Jeremy. Pareho kameng nakatingin sa stage dahil ang lakas nga ng sigawan.
"Buti nalang talaga di ako sumali dyan" Sabi nya pero pag lingon ko sa kanya sakin na sya nakatingin.
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko dahil obviously ako kausap nya dahil nakatingin sya sakin kaya lalo tuloy akong kinikilig dahil kung tutuusin pwede namang si Kian ang kausapin nya diba pero ako yung kinausap nya ka isang malaking OMG talaga. Assuming na kung assuming basta kinikilig parin ako.
Umiling sya "nakakahiya kase"
"Eehh? Gwapo ka naman ah, so bakit ka nahihiya? Saka hello, varsity member ka kaya so ano naman kung sasali ka marami ka kayang fans" pag Chi-Cheer up ko sa kanya.
"Di kase ako sanay mag salita ng ganyan at sumayaw sa harap ng maraming tao tapos kayong dalawa lang sa stage ng partner mo. Okay lang sana kung marami kayo dahil dika na masyadong magiging center of attention" paliwanag nya.
Yan ang isa sa mga pinaka nagustuhan ko sa kanya. Di sya mayabang at attention seeker tulad ng iba nyang mga kasama sa varsity. Simple lang sya mag ayos at gumalaw pero matalino.
Hayyyy I hope I could find someone like him...
BINABASA MO ANG
One Sided Love
Roman d'amourSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...