To: Amber💓💓
6:32pmBud, paki dala na bukas yung chess board ah
From: Amber💓💓
6:33pmAh sige wait hanapin ko lang
Tinext ko na sya dahil bukas na yung pasukan
*After few minutes*
From: Amber💓💓
7:00pmNaku bud diko makita, nawawala
To: Amber💓💓
7:01pmHuh? Hala!! Patay ako di ako makakapag practice nito
From: Amber💓💓
7:02pmTry mo humiram sa iba baka meron sila, sorry talaga
To: Amber💓💓
7:03pmIt's ok, I'll try to ask some of my team mates kung meron sila
From: Amber💓💓
7:04pmSorry talaga😭😭
To:Amber💓💓
7:05pmIt's ok don't worry I understand
From: Amber💓💓
7:06pmThanks
Kaya eto ako ngayon nag iisip kung kanino pede mang hiram. Hayy bahala na nga lang si Batman, matutulog nako. Hanggang sa unti unti nakong nakatulog.
______
"Wahhhh!!!namiss kita" sigaw ni Alice tapos yumakap sakin bigla pag pasok na pag pasok ko palang
"So kelangan naka sigaw? Grabe huh" Sabi ko naman
"Sorry naman hehehe" ngiti nya sabay nag peace sign
"Ok na ok na" Sabi ko nalang pumasok na yung teacher namin
"Nga pala Alice, may kilala ka bang merong chess board?" Tanong ko kay Alice dahil medyo kinakabahan nako sa chess na yan.
"Wala eh" sagot nya naman
"Ganun ba? Ok" Sabi ko nalang
Sabay pasok ng teacher namin
"Ok class you may go now to your designated rooms now"
At nag punta na nga kame sa kanya kanya naming room.
Pag dating namin doon konti palang kame kaya di agad nag simula dahil hinihintay pa namin yung iba na dumating.
Maya maya habang nag hihintay sa iba pa nakita ko si Jeremy na pumasok at bigla kong naisip na baka meron syang chess board kaya kakausapin ko sya kaso lang meron pa syang kausap kaya mayamaya nalang pag tapos na silang mag usap.
Ilang saglit lang nakita ko nang umalis yung kausap nya kaya dali dali akong lumakad papunta sa kanya
"Jeremy!" Tawag ko
"Oh Sophia, ikaw pala yan" nakangiti nyang Sabi
"Ay Hindi Jeremy, Hindi ako toh impostor lang ako" sarcastic kong sabi
"Hahahahahaha loko ka talaga Sophia" tawa nya "ano ba kase kailangan mo?"
Umirap muna ako bago sya sinagot "eh kasi nga gusto ko Sana tanungin kung meron kang chess board?"
"Ay wala eh, bakit? Ikaw lalaban?"
"Oo eh, Kaya nga ngayon palang kinakabahan nako"
"Wag kang kabahan, kayang kaya mo yan"
"I hope so, pero problema ko talaga yung chess board eh, may kilala ka ba na merong chess board na pedeng hiraman?"
"Meron, si Keisha"
"Keisha? As in Keisha na kaklase ko?"
"Oo bakit? Di mo Alam? Yaan mo ako na bahala sayo, ako na ang manghihiram sa kanya for you"
"Eeehhhh wag na kahiya naman, ako nalang manghihiram kaya ko naman manghiram ng ako lang"
"Sige na, wag ka nang mahiya, ok lang naman sakin yun, saka alam mo ikaw? Lage mo nalang tinatanggihan mga offers ko sayo, nakakatampo kana ah" sabay pout nya. Ang cuuuttteee talaga nya hahahaha
"Hayy naku, nakakahiya naman kase talaga, but don't worry, this time di ko na tatanggihan offer mo. Kaya wag ka nang mag tampo, di bagay sayo. Mas lalo kang pumapangit"
"Hayy naku, Alam mo Sophia diko alam kung matutuwa ba ako dahil tinanggap mo na offer ko sayo, o maiinis dahil sa sinabi mong pangit ako eh"
"Hahahahahahahahaha syempre joke lang yung pumapangit ka kaya smile kana hahahaha"
"Sige na nga" Kaya natawa na lang kame at bumalik nako sa pwesto ko, sya naman lumabas muna saglit dahil may kinausap pa
"Huy Sophia, ano yung pinag usapan nyo ni Jeremy? Hokage moves ka huh?" Alice habang naka grin
"Huh? Wala ah, nag tanong lang naman ako kung may chess board sya" painosente kong sagot
"Naku Sophia don't me, maaaring totoo nga yung dahilan mo pero half of that is your hokage moves" sabay taas baba ng kilay nya "saka ano namang sabi sa tanong mo?"
"Wala daw, pero may kilala sya na pedeng mahiraman and sya na daw bahala sakin, sya nalang daw manghihiram for me. Sweet diba?" Sabi ko na medyo kinilig
"Ah kaya naman pala ganyan mga ngitian mo eh hahahahaha, pero wag ka nang masyadong mangarap dahil first of all may girlfriend na sya kaya don't expect too much because he surely wouldn't leave his girlfriend just for you"
"Oo na!!Alam ko naman yun eh, it's just an infatuation. Nothing more nothing less. Mawawala din toh soon. Kaya don't worry but thanks for the concern, I really appreciate it"
"Yeah, just make sure of that, because it's for you"
"Yeah thanks for the advice"
At pagkatapos kong sabihin yun ay nag buntong hininga nalang ako. Sana nga mawala rin toh
BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomanceSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...