"So maliwanag ba lahat ng sinabi ko? Any questions?" Tanong nung nag lead sa harap
"Opo" sagot naming lahat
"You may go now to your designated room para mapag usapan na yung mga gagawin nyong lahat. Just follow teachers na leader nyo" Sabi pa nya
At nag sialisan na kameng lahat para pumunta sa room each groups.
"Ok students, andito naba lahat ng yellow team?" Tanong ni mam jaila
"Opo" sagot namin
Magkakasama kameng lahat na yellow team so in other words magkasama ang junior at senior high.
"So una, bawal ang mag dala ng cellphone or any kind of gadgets sa mismong sportsfest dahil deduction satin yan pag nahulihan kayo na may dalang cellphone or gadgets" simula niya.
Kaya biglang umingay dahil kanya kanya namang apela yung mga estudyante.
"Wala tayong magagawa, rule is rule. Saka always wear your sportsfest shirt together with your PE pants and rubber shoes, at saka iwasan din ang pag punta punta sa room ng ibang team dahil another deduction din yun" dagdag pa nya.
Tumango tango lang kame at nakinig nalang sa mga sinasabi nung teacher.
"Now meron na tayo ditong naka ready na yell so practisin nyo muna para makabisado nyo then saka natin pag uusapan yung games na sasalihan nyo"paliwanag ni mam fe
Kaya sinimulan na namin yung pag papractice sa yell.
"Ok now, let's talk about games na gagawin natin. Lahat dapat ng member ay may salihan dito sa game. Kailangan lahat makalaro" Sabi nya at nag sulat na sa board ng mga games.
-Ball games- -Board games-
Basketball Scrabble
Volleyball chess
Badminton etc."So we need 12 players for basket ball, 6 players for volleyball, 2 players badminton, 2 players Scrabble, 2 players for chess. So sa basketball 2 students per year for example, 2 sa grade 7, 2 sa grade 8, 2 sa grade 9 etc. tapos sa volleyball naman 1 student each Lang for example, 1 student sa grade 7, 1 sa grade 8, 1 sa grade 9 etc.
Sa badminton naman 1 grade 7, at 1 grade 8. Sa Scrabble at chess grade 11 and 12. So bale tig isa sa grade 11 and 12 each game" paliwanag ng teacherAt pinaikot na yung mga papel na may nakasulat na game tapos dun ililista yung names ng mga gustong sumali sa game na nakasulat dun.
Mag papalista sana ako sa Scrabble pero nakuha na ni Alice yung isa kaya grade 12 na ang kailangan dun kaya dahil wala naman akong alam sa ibang games pinag isipan ko pa kung sasali ako sa chess kasi marunong naman din ako mag laro ng chess kaya lang medyo limot ko na yung moves dahil ang last na laro ko pa nun eh 7 yrs old palang ako.
"Guys ano sa tingin nyo? Sali na ba ako sa chess? Marunong naman ako kaya lang medyo limot ko na" Sabi ko kina Alice, chloe, at JC. Katabi ko kase silang tatlo.
"Sali ka na" Sabi ni JC
"Oo nga" pag segunda nila Alice at Chloe.
"Sige na nga, pag aaralan ko nalang ulit kaya lang wala naman akong chess board para pag practisan. May chess board kaba JC?" Sabi ko
"Wala ee, download ka nalang ng app"
"Di pede kase puno na yung memory ko" Sabi ko.
"Try mo nalang humiram sa mga ict" Suggest ni jc
"Eh ayoko nga. Kahiya sa kanila puro lalaki yun eh" Sabi ko
Nagkibit balikat na lang sya.
"Guys sino pa gusto sa grade 11 ng chess? Ito nalang kulang" Sigaw nung isang estudyante na may hawak nung papel sa chess
"Si Sophia! Sasali daw sya" sigaw ni JC
"Hala!" Ako
"Ok lang yan, Kaya mo yan" Sabi ni JC at lumapit na nga yung estudyante sakin at sinulat ko sa papel yung name ko. Sya naman sinulat sa board yung name ko.
Nakita ko naman yung name ko saka name ng grade 12 'christian' Sino kaya yun? Nacurious ako bigla kase gusto ko sana si Jeremy nalang din kasama ko kaya lang grade 12 ang kailangan eh grade 11 sya saka nakasali na sya sa basketball. Si Chloe nga pala sa volleyball sya sumali pero parang ayaw nya kase tinatamad daw sya hahaha.
"Ok bago kayo lumabas lista nyo ulit yung names nyo" Sabi ni mam jaila
Kaya ayun nag si kumpulan na kame dun kaya lang diko mahanap yung papel sa chess. Asan na kaya yun? Maya maya lumapit si mam jaila samin at may kasamang lalaki na kung hindi ako nag kakamali ay grade 12 na. May hawak na papel si mam at ballpen tapos dinikit nya na sa papel saka binigay dun sa lalaki yung ballpen. Nakita ko naman na sinulat nya name nya at dun ko nalaman na sya pala si Christian. Pero nagulat nalang ako nung sinulat nya narin yung name ko dun.
"Ay kuya salamat sa paglista" Sabi ko
"Ah ikaw ba si Sophia? Nilista ko na kase nakita ko sa board name mo eh" Sabi nya
"Ah ganun ba haha sige salamat ulit" Sabi ko ng nakangiti, tumango naman sya at ngumiti.
_______
(A/N: madami pa pong laro na sinabi pero diko nalang po sinulat lahat dahil nakalimutan ko na yung iba saka di naman necessary na hehehe. Thanks for reading)

BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomanceSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...