chapter 15

52 3 14
                                    

"Waaaaaahhhhh!!! kinakabahan nako!!!"

Ngayon na kame maglalaban laban sa kanya kanyang sinalihang laro. Lord help!!! Wala pa naman yung mga kaibigan ko. Di muna daw sila papasok dahil sobrang napagod sila sa pag sayaw. Saka ayaw din daw nila sumali sa games kaya ayun wala tuloy ako kasama, huhuhuhuhu.

"Lalaban ka na?" Nagulat naman ako sa biglang nag salita. Pag lingon ko si Christian pala, Yung nag lista ng pangalan ko saka representative din ng yellow team for grade 12.

"Ah oo, hinihintay ko lang matapos yung mga nag lalaro sa loob. Saka sabay tayo lalaban sa loob diba?"

"Ah actually di nako lalaban dahil sa basket ball kasali rin ako"

"Huh? Edi sino na kasama kong lalaban?"

"Ako!!"

o__o

Parang bigla ako napatigil dun sa nag salita sa likod ko. Yung boses na yun.............. boses ni....

"Oh Jeremy, buti naman nandito kana. Mag sisimula na yung laban nyo maya maya lang. San ka ba kase nanggaling?" Tapos nag bro hug na sila

"Ah dyan lang sa canteen, kumain lang kame saglit ni joan. Hi Sophia!!" Masayang bati sakin ni Jerwin, ngumiti lang naman ako.

"Teka, magkakilala kayo?" Takang tanong ni Christian

"Oo naman, actually we're friends right Sophia?"

O__o

"Ah yes?" Parang di ako makasagot ng matino ngayon. Kaibigan na pala turing nya sakin. Bakit di ko alam yun? Sabagay ilang beses narin naman kame nag usap saka tinuruan pa nga nya ko sa chess kaya ganun na nga siguro yun. Saka kaibigan lang naman nothing more nothing less.

"Ah, nga pala Sophia itong si Jeremy nga pala yung sinasabi kong papalit sakin dito sa chess" Sabi sakin ni Christian

"Ah, pero diba sabi dapat grade 12 naman yung kasama ko? Saka sa basketball​ din sya nakasali so pano yun?"

"Ok lang naman daw Sabi ni mam jaila kasali parin sya sa basketball game. Nag paalam naman na ko kahapon pa. Naisip ko rin kase na maipapanalo natin yung chess game kung si Jeremy ang lalaban"

"Ah" Sabi ko nalang

"Sige maiwan ko muna kayo dito huh? Kain lang ako saglit kagutom eh" paalam ni Christian

"Ah sige bro" tapos nag fistbump lang sila. Tumango lang naman din ako saka nag wave

"Ok next yellow team and green team please come in" tawag nung teacher samin. Mas lalo tuloy ako kinabahan

o___o

"Kinakabahan ka?" Biglang tanong ni Jeremy sakin

"Oo eh"

"Kaya mo yan kaw pa ba? Palaban ka eh" sabay akbay nya sakin pero tinanggal din naman nya agad nung pinapwesto na kame.

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon