chapter 19

80 2 21
                                    

Sophia's POV

Nandito na ang bawat team sa gymnasium para panoorin ang laro ng basketball ng mga senior high.

Ako naman eto at nakaupo na sa bleachers, pumwesto ako sa may bandang harap--malapit sa pwesto ng mga players lalo na kay Jeremy hahahaha.

Kaya lang kailangan ko parin mag ingat-ingat ng konti dahil katapat lang namin ng pwesto yung team nila Joan, nasa kabilang side lang yung green team kaya baka mahuli ako magselos pa mahirap na.

Lalo pang umingay nang nag simula nang mag jump ball ang mga players. Umpisa palang nakuha na ng team nila Jeremy yung bola at nai-shoot ang bola kaya todo cheer at tili naman yung mga ka-team ko at isa narin ako dun syempre.

Nag patuloy pa ang laro at madalas makapuntos ang team nila Jeremy at syempre dahil kay Jeremy yun. Malaki na lamang ng team namin sa kalaban kaya todo cheer din talaga ako every time na pumupuntos kami pero mas malakas ang cheer ko pag 'sya' yung nakaka shoot ng bola. Pero may nahagip yung mata ko... Si Joan na tumayo pa nung pumuntos ng 3 points si Jeremy. Okay, sya na supportive 'girlfriend' kala mo naman talaga, eh mag hihiwalay din naman kayo. Sabagay ako rin naman supportive eh. Supportive 'future girlfriend' charot.

At dahil nga malaki na ang lamang ng score namin sa red team, yellow team ang nanalo which is yung team namin.

Pagkatapos ng game, ang daming nag silapitan sa mga players at nangunguna na si Joan the girlfriend. Oo na! Masakit ah. Tama na nga. Bitter ko na. Mabait naman si Joan pero feeling ko kontra bida sya kahit sa totoo lang ako naman talaga yung kontra bida sa love story nila. At least yung love story nila nag eexist, samantalang yung samin imagination ko lang at malabo pang mangyari.

Napabuntong hininga nalang ako at sumabay nalang ako sa pag labas ng mga tao. Mamaya ko nalang siguro sya babatiin sa gc.

Habang nag lalakad ako papuntang gate, biglang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko agad ito para tignan kung sinong tumatawag. Pag tingin ko sa caller, agad ko itong sinagot.

"Hello tita?" Sagot ko at huminto muna sa isang bench at naupo.

"Sophia, pauwe ka na ba?" Tanong ni tita.

"Opo sana. Bakit po?"

"Ah tamang-tama uwe ka agad ah? May ipapabili lang ako sa grocery. Ubos na stocks natin eh. Di ako makabili pa dahil may ginagawa pa ako. Ok lang ba?"

"Ah opo naman. Sige po pauwe narin naman po ako eh. Bye po"

"Oh sige ingat ka ah. Bye." Paalam ni tita kaya binaba ko na.

Tumayo na ako at nag simulang mag lakad pauwe. Pero napahinto nalang ako nung nakita ko sila Jeremy at Joan sa may paglabas Ng gate na masayang magka holding hands. Mukhang mag de-date sila para i-celebrate yung pagkapanalo nila Jeremy dahil papasok sila sa isang cafe na katapat lang nitong school. Parang sumakit dibdib ko sa nakita ko.

Ang hirap pala magka crush sa may gf na. Hindi mo man lang malapitan basta-basta dahil may magagalit.

Ano kaya kung tigilan ko nalang yung pag crush ko sa kanya? Nakakatakot kase na baka mafall pa ako ng tuluyan mahirap na. Well, diko pa naman naranasan na ma-fall sa mga naging crush ko, pero sa sitwasyon namin ngayon, Hindi na imposibleng mahulog ako ng tuluyan sa kanya. Para kasing may something sa kanya na di mo basta-basta makikita sa iba. In short, kakaiba sya in a way na kapag nakausap at nakilala mo sya ay maiinlove ka talaga. He's a perfect guy for me, but I think we're not meant to be.

Alam ko namang may girlfriend na sya pero minsan di ko talaga maiwasan na magkagusto pa sa kanya dahil sa kinikilos nya lalo na at nagiging medyo close na kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon