Nakapag perform na kame and nagawa naman namin ito ng maayos kaya lang 2nd place lang nakuha namin pero di narin masama at least hindi last hehe ^_^"Nice naman, good job Sophia! Job well done"
Muntik nakong mapatalon sa gulat nang biglang may nag salita. Pag harap ko naman parang biglang tumigil sa pag tibok yung puso ko
"Huy!! Hahahaha ang cute mo pala magulat hahaha grabe para kang nakakita ng multo" tawang tawa nyang sabi
And I came back to my senses
"Eh sorry naman bigla bigla ka naman kasing nanggugulat eh saka thank you din sa compliment pero ang daya mo di ka naman sumayaw eh" kunwaring nag tatampo kong sabi
"Eh hinawakan ko yung team flag natin sa likod kaya malamang di ako makakasayaw"
"Hahahaha oo na sige na"
"Hahahaha nga pala good luck bukas satin huh bukas na daw gaganapin yung mga games"
"Thanks, sayo rin pero kinakabahan na talaga ako para bukas"
Kaya sana talaga maalala ko yung mga moves na tinuro sakin saka gusto ko sana kung matatalo man ako medyo mahirapan naman yung kalaban ko para di nila masabing ang dali ko lang talunin diba? Nakakahiya kaya yun
"Huh? Bakit naman?"
"Eh kase pano kung matalo ako? Baka sisihin pako ng mga kateam natin"
"Ano kaba? Wag ka ngang mag isip ng mga negative thoughts, just always think positive. Kayang kaya mo yan, kaw pa ba? I know you can do it just believe in yourself. Saka bakit ka naman nila sisisihin eh alam naman nating lahat na ginagawa mo naman ang best mo so don't over think. Manalo matalo we're so proud of you lalo nako" pag chi-cheer up nya sakin
"Wow, may pa-speech si mayor hahahaha thanks for your support, I really appreciate it"
"Hahahaha anything for you" sabay wink nya sakin
"Hahahahaha hoy!! Ang landi mo huh, Kung makapag salita ka para kang walang girlfriend" lalo lang akong mafa-fall sayo nyan eh
Diko na sinabi sa kanya yung huli dahil baka magka hint sya na may crush ako sa kanya at ma-awkward pa sya sakin at lumayo. Ayoko naman na mangyari yun ngayon pa na unti-unti na kaming nagiging mag kaibigan
"Hahahaha kinilig ka naman"
"Hmmpp" kunwaring naiinis ako
"Hayy naku, hahahaha masyado naman tong matampuhin, binibiro kalang naman hahahaha tara nga dito" tawag nya sakin pero di ako lumapit "hayy kulit talaga" sabay hatak sakin at inakbayan ako "ganto nalang para di kana mainis treat nalang kita bukas ng snack ok ba yun?" Pang aamo nya
Pagkatapos nyang sabihin yun ay diko na talaga napigilan tumawa
"Hahahahahahaha ok na ok, dapat pala lagi akong maiinis sayo para ilibre mo ko eh hahahahaha binibiro lang din kita, diko akalaing maniniwala ka hahahaha"
"Ah ganun? Sige binabawi ko na sinabi ko kanina, dina kita ililibre" sabay talikod nya
"Ay hala ito naman di mabiro libre mo na ko, Daya mo naman eh"
"Hahahaha joke lang din syempre lilibre parin kita. Kaw pa malakas ka sakin eh"
"Hahahaha alam mo? Para tayong baliw dito na nag lolokohan" tumawa naman din sya sa sinabi ko
"Baliw ka kase eh hahahaha"
Natawa lang kame dun tapos tumayo na kameng lahat dahil mag uuwian na
"Sige Sophia puntahan ko na si Joan dun, Mauna nako see you tomorrow"
"Sige ingat" at nag buntong hininga nalang ako

BINABASA MO ANG
One Sided Love
RomanceSabi nila everyone deserves to love and to be love, pero bakit nag eexist parin yung one sided love? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang rin ng taong mahal mo? Mahirap kase di mo naman pwedeng diktahan at sabihan ang puso nya na mahalin ka rin nya pa...