Kabanata 1

674 40 5
                                    

Kabanata 1

SAPU-sapo ni Vodjdani ang ulo dahil sa matinding hangover dahil sa inuman nilang magkakaibigan kagabe.

Dumagdag pa sa sakit ng ulo ang ina niyang panay hanap sa kanya kung nasaan na siya.

Goodnes! Hindi na ako bata.

Hinilot hilot niya pa ang sintido bago tumayo sa sala na kinahihigaan nila.

Gising na si Naha at nasa kusina na ito at nagtetempla ng kape sa coffee maker.

Hahang ang iba niyang mga kaibigan ay papungas pungas na nagigising at panay reklamo na masakit ang ulo.

Tinignan muna ni Vodjdani ang notepad niya kung meron ba siyang sched ngayon mabuti na lang at next week pa ang lahat ng ito.

Bumangon na siya at nag templa din ng kape. Pagbalik niya sa sala may dala ng saridon si Jamaica at binigyan isa-isa ang mga kaibigan niyang may hangover.

Habang nasa sala ay nagkwentohan pa sila sa kabaliwang ginawa nila kagabe.

Hanggang sa nauwi sa tuksuhan ng maalala ni Jhonelly ang dare niya sa kaibigan nilang si Naha.

Nakisali na rin si Vodjdaji sa panunukso. Hanggang sa nagpasya na silang mag siuwi dahil may kanya kanya pa silang gagawin sa buhay.

Nang makauwi na si Joana sa bahay nila ay maingat niyang ipinark ang sasakyang dala sa parking lot nila.

And when she entered at their house she tiptoed para hindi siya mapansin ng inang dragon na tansya niya ay gising na sa mga oras na yun.

Aba alas diyes na iha.

Ani ng kaliwang bahagi ng utak niya.

Nang makitang wala ang ina sa sala ay napabuntong hininga si Vodj. Cleared!

Yeeeeees!

Gustong magtatalon ni Vodj dahil hindi pa siguro gising ang ina niyang si Solidad Vodjdani.

Akmang hahakban na siya sa kanilang hagdanan ng may tumikhim sa likod niya.

Busted!

Nakapikit na napalingon si Vodjdani para harapin ang ina at salubungin ang mala machine gun na bibig nito.

"At saan ka naman nanggaling Joana Mae Vodjdani?" mataray na tanong ng ina sa kanya.

"Mama naman." pagmamaktol niya.

"Anong mama naman? Saan ka nang galing?" ulit na tanong pa sa kanya ng ina.

"Kela Jam ma, you know girl's night. Diba nasabi ko naman na to sayo noon pa? Saka ma, 30 years old na ako for father's sake!" naiinis na pagmamaktol ni Joana.

"Wala pa akong sinasabi Joana." at kinurot siya sa singit ng ina. "At wag na wag mong isasali sa usapan ang ama mong matagal ng namayapa. Jusko kang bata ka."

"Maaaa! Masakit." naiiritang ani ni Joana.

"Akala ko galing ka sa lalaki mo." seryosong ani ng ina na ikinagulat ni Joana.

"Ano ulit ma? Lalaki ko? Ni wala pa nga akong jowa. Hay nako ka mama." napapantastikuhang ani ni Joana.

"Kailan ka ba kasi mag aasawa? Isang taon na lang lagpas ka na sa kalendaryo oh! Puro ka kasi sama sa mga kaibigan mong single, ano wala ba kayong balak mag asawang magkakaibigan?" parang may lungkot pang ani ng ina niya.

Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon