Kabanata 6

353 30 1
                                    

Kabanata 6

"Mr. Right: Let's meet tonight."

Yun ang mensahing natanggap ni Joana kanina habang nag uusap sila ng kaibigan niya tungkol sa estranghero.

At hindi na maalis sa labi niya ang ngiting kanina pa nakapaskil simula ng mabasa niya ang text message nito.

Agad siyang nag paalam sa mga kaibigan at nauwi sa bahay para maghanda at makapag ayos. Natawa pa siya ng sabihan siyang malandi at higad ngga kaibigan niyang mga walang love life.

Hindi pa man niya kinumpirma kay Mr. Right na pumapayag siyang makipagkita rito ay kasalukuyan na siyang naghahanap ng susuutin sa natatakda nilang pagkikita.

Hindi siya magkadaugaga sa paghahanap ng tamang susuutin na ipinagtataka niya dahil tila na nawawala ang pagiging isang sikat niyang fashion designer sa nga oras na yun.

Hindi niya alam kung simpleng dress lang ba, medyo revealing nang unti yung tipong lalantad ng hubog ng katawan niya o ang sarili niyang style sa pananamit.

Napakamot pa siya sa ulo habang nakatingin sa kama niya. Doon niya inilatag ang mga dress na natipuhan niya at sinuri ito ng maayos kung alin man dun ang susuutin.

Napabunting hininga na lamang siya dahil hindi niya mawari kung alin ba dun ang susuutin feeling niya kasi lahat ng damit na nakasalansan sa kama niya ay hindi babagay sa kanya. And that's frustrating! Napaupo na lamang siya sa gilid ng kama saka kinuha ang cell phone at nireplyan si Mr. Right.

Joanax: Where?

Hindi naman siya nabigo dahil wala pang sampung segundo ng mag reply si Mr. Right. Nakapaloob sa mensahe ng binata ang time at location na pagtatagpuan nilang dalawa.

Mr. Right: Delicioux Restaurant' at 6:30 pm. I'll wait for you there.

Napangiti si Joana. Yun lamang ata ang hinihintay niya para makapag decide kung anong klase ng dress ang isusuot niya.

Pinili ni Joana ang isang pitch cream color na dress na medyo hapit sa itaas pero may pagkaluwang sa ibaba at pinarisan niya ito ng pamatay na stiletto.

Nag lagay din siya ng liptint at blush on para magkaroom nang kulay ang morena niyang mukha. Nagspray siya ng pabango sa buong parte mg katawan niya at sinipat ang itsura sa body size niyang salamin.

Napangiti si Joana ng makita ang kabuoan. Marahil simple lang iyon pero nagsusumigaw ang kanyang kagandahan.

Sinuot niya din ang bracelet niya at ang hikaw niya na mas lalong nag pa lantad ng kanyang simple pero kakaibang ganda.

"Sigurado akong maiinlove ka sakin ng bongga Mr. Right kung sino ka man." bili na bilib na ayon ni Joana sa sarili.

Napatingin siya sa wrist watch niya at nakitang quarter to six na iyon. Mabilis niya pa ulit na pinasedahan ang kabuuan bago isinukbit sa balikat ang kanyang mini sling bag na kulay black at may tatak na JV. Obviously, sa kanya iyon.

Nakangiting bumaba si Joana at napapa hum pa ng Mr. Right ni Kim Chui. Sobrang lawak ng ngiti niya at hindi niya mapagilan ang mapangisi na lang bigla. Masaya siyang inalala ang text message ng binata saka mapapakagat sa ibabang labi na akala moy napipigil dahil sa kilig na nararamdaman.

She was humming when her mother approach her. "San punta?"

"Maghahanap ng mapapangasawa." napahagalpak si Joana dahil sa tinuran.

Napataas ang kilay ng kanyang at nagpipigil na ngumiti dahil sa sinabi ng anak. "Are you sure?"

"Ah-huh." maarteng bigkas ni Vodj saka mabilis na hinalikan sa pisngi ang kanyang magandang ina. "See you later mother."

Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon