Kabanata 13

320 26 1
                                    

Shout out nga pala kay Patricia Udarve!
Paaattt12

Kabanata 13

NAGISING si Joana na masakit ang ulo maging ang mga katawan. Umikot pa ang paningin niya at nag black out nang bigla na lamang siyang tumayo at napaupo ulit siya sa gilid ng kanyang kama.

Pumikit siya ng mariin saka maingat na tumayo at dumeretso sa banyo para mag linis ng katawan. Masyado siyang mabaho dahil sa alak at nang lalagkit na ang katawan niya. Ayaw niya pa naman ng ganoong feeling.

Agad siyang naghubad ng suot niyang dress at inilagay iyon sa laundry bin.

Nagulat pa siya ng bahagya nang makita ang sariling repleksyon sa salamin kung gaano siya ka panget. Buhaghah ang maayos niyang buhok na maayos na naka bun kagabe. Ang mac lipstick niyang nag smudge at kumalat sa pisnge niya. Ang eyeliner niyang na lusaw dahil sa kakaiyak niya kagabe, para tuloy siyang umiyak ng luhang itim nang dahil doon. Nagkalat sa buong mukha niya ang eyeliner! Idagdag mo pa ang namamaga niyang mata dahil sa kakaiyak. Mukha siyang aswang.

Parang broken hearted lang ang peg?

Napakagat labi na lamang siya ng dahil sa naisip. Agad siyang naghilamos upang linisin ang make up niyang nagkarambolan na sa mukha niya. Para siyang rakista na ewan. Buti na lang at hindi water proof ang make na ginamit niya dahil aabutin siya ng siyam siyam bago matanggal ang mga iyon sa mukha niya.

Ilang minuto niya niya ding inalis ang kolorete sa mukha bago sinabunan nang facial wash ang mukha niyang maganda. Nang makita niyang wala nang bahid nang nakaraan ang mukha niya agad siyang lumusong sa bathtub.!Sobrang lamig at gusto niya ang pakiramdam na iyon. Tila ba noon lang siya nakaligo ulit.

Pinakiramdaman niya muna ang tubig sa katawan at pumikit para mas damang dama ang paghaplos ng tubig sa kanyang hubad na katawan. Tahimik ang buong banyo, walang ingay , wala lahat ng biglang bumukas ang pinto niyon. Dahil sa gulat bigla na lamang siyang napasigaw nang sobrang lakas. Kungsusumahin umabot sa kabilang bahay ang sigaw niyang iyon.

"Mader naman! Uso kumatok jusko!" pag-iinarte niya nang mapagsino ang taong walang havas na binuksan ang pinto ng cr niya.

"Kuu! Ang arte nito." pabalang nasagot nang kanyang butihing ina.

"Maarte agad? Paano pag nalunod ako dahil sa gulat? Inatake ako sa puso? Eh di nawalan na kaya nang magandang anak? Jusmiyo mader." inis na sagot sa ina.

Napahilot siya ng kanyang sintido, feeling niya sumakit uli ang ulo niya. Ang nanay niya talagang ito jusko! Tinapunan niya ang ina nang nakabusangot saka pinandilatan.

Natawa lang ito, alam naman nitong tiklop siya pagdating sa ina pero nakakainis lang talaga this time. "Pasensya na, akala ko kasi wala ka. Kaya pumasok akong banyo para i check. Wag ka nang mainis." malambing na pang-aamo nito sa kanya at masuyong sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay nito.

She pouted, she remembered when she was in high school, kahit na dalaga na siya noon,ang ina niya pa rin ang nagpapaligo sa kanya, hindi da hindi pa siya marunong maligong mag-isa o wala pa siyang isip noong panahong iyon. Masyado kasing maarte itong nanay niya. Tuwing pinapaligoan siya nito marami pang abobot ang ang nangyayari, may pagkuskos ng kalamansi sa batok niya, siko niya at tuhod. Para daw hindi mangitim. Kaartehan.

Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon