Special Chapter: Bestfriend's Dare
WELCOME TO THE PHILIPPINES! Yan ang bungad ng mga staff ng Mandis International Airport. Nagtatalon naman sa saya ang mga anak ni Joana at Takayuki ng makalapag na sila sa Pinas.
Nakangiting binati niya pabalik ang mga staff ng airport habang ang asawa naman niya ay mina-manage ang mga bagahe nila.
"Keitaru!" tawag niya sa anak, ginagamit niya lamang ang pangalan nilang iyon pag ang dalawa gusto niyang tawagin. "Come here. Tsk."
"Yes mom!" sigaw naman ng mga ito.
Hawak hawak na niya palabas ng airport ang mga anak ng bigla na lamang may nagsilapitan na reporters sa gawi niya na hindi niya alam kung saan galing.
Nag palinga linga pa siya habang hinahawakan ng mas maigi ang mga anak dahil baka mabitawan niya at mawala.
Jesus Christ! I'm not a freaking celebrity! How would I fuckin' surprise my friend if these paparazzi are coming for her.
Nakangiti siya sa mga ito, hilaw na ngiti.
"Welcome back to the Philippines, Ms. Vodjdani! How was your flight? Bakit niyo po naisipang bumalik sa Pinas after 4 years?" tanong ng isang reporter. Halos mapa-irap siya sa tanong nito.
"How was Japan?"
"Ano pong masasabi niyo ngayong nakalabas na sa kulongan si Sabrina Avedra?"
"Kailan ulit kayo mag la-launch ng fashion show?"
Magsasalita na sana siya ng biglang humarang ang mga MIBs ng asawa niya sa kanila. Buti na lang talaga. Mabilis namang nakalapit sa kanya ang asawa niya at kinarga si Yushiro.
Hiaharangan ng mga MIB ang mga reporters para makadaan sila. Sa kabutihang palad ay nakasakay na sila sa sasakyan nila.
Halos mabaliw kakaisip si Joana kung bakit siya pinagkakaguluhan ng media. Hindi naman siya artista jusme.
Nasa kahabaan na sila ng byahe, ganoon pa din. Matindi pa din ang traffic sa Pilipinas. Tinahak nila ang shortcut para mas mabilis silang makaratlting sa La Familia's Village. 6 years ago, iniba na ng may-ari ng Village ang pangalan nito. From Young men's Village to La Familia. Hindi naman na daw kasi puro binata ang nakatira doon, halos may mga pamilya na.
At dahil nandoon naman ang bahay ni Hiroki hindi na sila nag pagawa pa ng bagong bahay. Saka malapit lang sa mga kaibigan niya.
Hours had passed before they safely arrived at La Familia's Village. Nakangiti niyang pinagmasdan ang gate niyon.
I miss this village so much!
"Malapit na tayo." masayang wika niya sa mga anak na ikisigaw ng mga ito.
"Don't jump inside the car Yushiro. You might bump your head." saway ng asawa niya sa anak.
Tinignan naman niya sa rearview mirror ang mga anak na masaya pa ding nagtatalon sa backseat. Ang titigas talaga ng mga ulo ng mga anak niya. Palibhasa puro lalaki. Tsk.
The village seems so quite. She wonder why. She looked for the houses of her friends but it feels so empty. Nalungkot siya ng dahil doon. Maybe her friends are so damn busy with their life right now. She heave a sigh. And there it goes, nasa harap na sila ng bahay nila.
Hiroki punch some buttons and the gate open. Their sons scream for what they have seen.
"That's awesome!" tumatalon pang wika ni Yushiro habang ang kuya naman nito ay napapangiti na lamang habang ang mga mata ay nakatutok sa harap ng bahay nila. At napalingon ito sa kaharap ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)
RomanceIsa ka ba sa mga babaeng naghahanap kay Mr. Right? What if si Mr. Right na pala ang kusang humanap sayo? Aangal ka pa ba o bukaka agad? Let us join the journey of Joana Mae Vodjdani on finding her Mr. Right. :) It's a story about circle of friends...