Kabanata 24
NAKATULALA si Joana sa kawalan habang iniisip ang mga bagay bagay na nalaman niya kanikanina lang, hindi niya alam kung kakabahan ba siya o hindi. Kakagising niya lang tapos yun ang unang maririning niya. Parang binaril siya ulit, at sa pagkakataong to, direkta na sa puso.
Sunod sunod ang pag buntong hininga niya habang inaanalisa ang sitwasyon. Kaloka, parang maloloka na ata siya.
Pero napangiti din siya ng maalala ang sinabi kanina ni Hiroki, kung gaano siya kamahal ng binata. Halos mamula ang buong katawan niya dahil sa kilig. Malawak parin ang pagkakangiti niya habang napapailing pa ng bumukas ang pintuan at niluwa niyon ang mga mahaharot niyang kaibigan na akala mo kinulang sa aruga na para bang wala sila sa hospital at nag tutulakan pa talaga. She literally slap her face because of frustration.
"Oh ano yan!? First time lang makakita ng maganda? Bat nag uunahan? Wag mag tulakan, makakapasok lahat." sigaw niya sa mga ito at isa isang nagtilian. "Jusko!" napailing na lamang siya.
"VODJ!!!!!!!!" sabay sabay na tili ng mga ito. Halos takpan niya ang sariling tenga sa ingay.
"Fuck! Kailang sumigaw!?" inis niyang sigaw sa mga to saka umirap sa ere. "Aray, hinayupak kayo." sigaw niya ulit ng mag sitakbukhan sa kanya ang mga baliw niyang kaibigan at yakapin siya without minding her gunshot wound.
"Ops, sorry! Miss na miss ka na namin." malungkot na wika ni Georgina habang yakap yakap ang paa niya. Abnormal.
"Oo nga Vodj, kala ko di ka na magigising naka handa na pa naman yung kabaong na binili namin for you." mas malungkot ang boses ni Mary Rose na may balak atang patayin siya.
"Gago. Gusto niyo ata akong patayin e." naiinis niyang wika na ikinatawa ng mga kaibigan.
"In case of emergency lang naman yun Vodj." natatawang wika ni Giselle na nakatanggap ng kotong sa kanya dahil malapit ito sa kanya. "Aray! Ang bad naman nito." angal pa ng kaibigan.
"Ako pa ngayon yung bad!? Eh parang gusto niyo na nga atang mawalan ng maganda sa mundo e." inis kunwaring singhal niya na ikinatulala ng mga kaibigan niya. "Tapos grabe, wala man lang kayong dalang pagkain? Prutas? Flowers ganun? Ang plane ng kwarto ko." pag iinarte niya habang nakatulala pa rin ang mga kaibigan niya.
Sinalat ni Erica ang noo niya, "Asan maganda sis? Tsk may sakit ka pa nga." kunwaring concern na sambit nito kaya nag sitawanan na naman ang mga kaibigan niyang may sakit sa utak.
"So ano nga? Bakit walang pa fruits at pa flowers. Wag niyo sabihing nagkukuripot kayo? Jusko naman. Kaibigan ba yan?" malungkot na wika niya saka pumikit. Napa igik siya ng may kumurot sa tagiliran niya. "Aray naman! Hindi masakit ah!" angal niya.
"Osige isa pa." ani Mary Rose.
Pinandilatan niya ito ng mata, "Subukan mo lang, sisipain kita." banta niya sa kaibigan kaya nag sitawanan na naman ang mga ito kaya napatawa na din siya.
"So bakit wala nga?" pangatlong tanong na niya to.
"Kasi naman tulog ka no, masisira lang at hindi mo ma a-appreciate. Now that you are already awake, nag pa deliver na ako ng isang truck galing sa shop. Lahat favorite flowers mo." masayang wika ni Georgina saka nag flip ng hair.
Halos lumuwa ang mata niya dahil sa sinabe nito, "What the heck, isang truck talaga? Taray, galante ka ngayon mamsh! Intayin ko yan letse ka. Yung iba sa bahay mo ipa deliver saka sa puntod ni daddy." request niya. Turn naman ni Georgina para magulat na ikina bungisngis nilang magkakaibigan.
"Ay wow ate girl! Hindi ka rin demanding no?" pang-aalask nito sa kanya.
"Hindi naman masyado. Sakto lang." natatawang sagot niya rito.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)
RomanceIsa ka ba sa mga babaeng naghahanap kay Mr. Right? What if si Mr. Right na pala ang kusang humanap sayo? Aangal ka pa ba o bukaka agad? Let us join the journey of Joana Mae Vodjdani on finding her Mr. Right. :) It's a story about circle of friends...