Kabanata 9

340 26 1
                                    

Kabanata 9

Pauwi na ngayon si Joana sa bahay nila, hindi mawaglit sa isipan niya ang kalandiang nangyari kagabi.

Papasok na siya sa bahay nila ng harangin siya ng kanyang napakagandang ina na ngayon ay nakataas ang kilay at nakapamewang pa.

Binigyan ito ni Joana ng malawak at matamis na ngiti saka hinalikan sa pisngi pero hindi man lamang nag bago ang reaksyon nito.

"Good morning mother." masayang bati niya pa, mas lalong tumaas ang pagkakataas ng kilay ng butihin niyang ina.

"Anong good sa morning Joana Mae Vodjdani?" malditang tanong nito sa kanya kaya napahagikhik siya.

"Kasi maganda ako?" takang tanong kunwari ni Joana sa ina saka tumawa nang aasar.

"Saan ka naman nanggaling?" Alam na ni Joana kung san patungo ang usapan nato kaya mas lalong inasar ni Joana ang maganda niyang nanay.

"Diyan-diyan lang." balewalang sagot ni Joana sa ginang saka kunwaring pumasok sa bahay at nilagpasan ang ina.

"Galing ka ba sa lalaki mo?"

Bingo!

Ayun talaga ang gustong malaman ng kanyang malditang mother sa kanya kaya hinarap niya ito at ginawaran ng malawak na ngiti.

"Ahuh." she said in a sing song voice. Halos lumuwa ang mata ng nanay dahil sa gulat o sa tuwa.

Nagagalak na lumapit sa ito kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ganyan ka oa ang nanay niya.

"Talaga anak?" hindi makapiwalang tanong pa nito.

"Naks mother ah! Tinawag mo na kong anak ulit ah. Iba na yan." biro pa niya sa ina habang tumatawa kaya hindi niya naiwasan ang pangungurot nito sa singit niya "Outch naman mother!" angal niya saka kinamot ang singit na pinagkurutan ng ina.

Masakit yun ah! Ang haba pa naman ng kuko ni mama tsk. Ano bang meron sa mga nanay at ang hilig mangurot ng singit! Tsk!

"Umayos ka Joana!" ayan na naman ang maldita nitong ugali kaya napangiwi na lamang siya.

"Ano po ba iyon?" maang-maangan niyang tanong saka kunway nag kamot ng noo.

"Akala ko ba galing ka sa lalaki mo?" napapantastikuhang tanong nito.

"Oo nga po." kompirma niya sa tanong ng ina.

"May nangyari na ba sa inyo?" mahihimigan ang galak sa boses nito at sa tanong nang ina niya turn naman niya para lumuwa ang mata sa gulat.

"Ma naman!" angal niya pa ulit.

"Anong "ma naman" !? Akala ko ba galing ka dun?"

"Oo nga po galing ako sa lalaki ko este kay Mr. Right! Pero wala pong nangyari sa amin! Grabe ka naman ma. Hindi naman ako easy to get ano!?" inis niyang depensa sa ina saka padabog na nag marcha paakyat ng kwarto niya.

Narinig niya pa ang impit na sigaw nito sa kanya pero hindi na niya ito sinagot pa at nagmamadaling pumasok sa kwarto dahil may lakad pa siya. Grabe talaga ang nanay niyang iyon! Tsk tsk.

Nahiga muna siya sa kama at inalala niya pa ang mga bagay na nangyari sa kanya kagabe. Hindi naman talaga siya easy to get ano! Napapangiti na lamang siya habang nagbabaybay ang utak niya sa nakaraan este kahapon.

Sinundan ni Joana si Hiroki na ngayon ay papasok na sa nag-iisang kwarto sa third floor kasi sa second floor ay may dalawang kwarto at mukhang confort room yung pangatlo doon.

Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon