Kabanata 2

510 34 1
                                    

Kabanata 2

"MISS, andito na po yung mga bagong dating na tela saka mga bagong design po." aligagang ani ng assistant ni Joana habang nilalagdahan ang checklist.

"Atta girl, paki deliver na nung mga gowns na naka lagay sa boxes. Nasa log book ang mga names na pag dedeliver-an mo. Thanks" Joana and her hyper aura as she winks at her assistant.

"Alright miss." saka umalis ito habang tinatawag ang mga delivery boys.

Nakangiting inaayos ni Joana ang mga bagong dating na tela saka mga bagong design na ipinapagawa ng mga customers nila.

She was humming Westlife's song while slowly swaying her hips as she was filing all the draft of the designs in the table and pinning the design in the board that she will going to do for next week.

Andito nga pala siya ngayon sa main branch ng boutique niya kung saan dito siya nagtatahi, nag de-design ng bagong gowns, trucking and deliveries.

As for the record, hindi lang siya ang nagtatahi ng gowns dahil may mga hired sewer din siya at andito rin ngayon sa mismong main branch ng boutique.

You can say that it was her fashion house. Kasi pwedeng mag walk in dito ang kung sino mang gustong bumili ng mga gawa niya at pwede ring mag pa deliver na lang.

Ang fashion house niya ay nahahati sa anim na palapag. Kung saan ang unang palapag ay ang receiving area kung saan may front desk at visitors lounge kung saan mag papa reserve ng mga gowns and such.

Ang pangalawang palapag naman, doon naka display lahat ng gown na gawa niya at ng mga sewer. Iba't ibang klase ng gowns ang naka hilera sa second floor at iba pa.

Sa pangatlong palapag ay ang mga telang pwedeng pag pilian ng mga customer. Kung saan pwede silang mag look around at pumili ng telang gustong maging design ng gown.

Ang pang-apat na palapag naman dito naman matatagpuan ang mga hired sewer niya. Hindi lang hired sewer ang andirito dahil ito ay nahahati sa tatlong set. Ang unang set ay artist or designer, kung saan sila ang nag dra-drawing ng mga bagong designs para sa mga gagawing gown. Sila ang gumagawa ng draft bago gawing isang ganap ng gown. Ang pangalawang set ay ang mga tagasukat, sila ang kumukuha ng sukat ng mga customer na nag papagawa ng gown. Ang pangatlo ay ang mga hired sewer, sila ang mga nananahi ng mga approved draft and designs.

Ang pang-limang palapag ay ang conference room kung saan nagtitipon lahat ng designer at artist maging siya bilang may-ari ng Vodjdani's fashion house. Dito sila nag me-meeting ng mga bagong draft and design na ipinapasa ng mga artist at designer kung saan pinagbobotohan itong ma aprobahan o ma ireject. Pero the last decision still lies on her. Siya lang ang may karapatang i approve or i reject ang mga ipinapasang draft and designs. Pero minsan, she still considers her employees decisions lalo na pag majority rito ay sumang-ayon o hindi.

Ang pang-anim na palapag ay ang kanyang opisina o private room. May sarili siyang gamit sa pananahi, pagsusukat at tools para sa draftings ng design. Kung saan andito nga siya ngayon at inaayos ang mga designs na pinareserve at ipinagawa ng mga elite people or mga kilalang tao na sa kanya mismo nagpapatahi.

Habang busy siya sa pag-aayos ng drafts, bigla na lang tumunog ang cellphone niya kaya nabaling ang atensyon niya rito at natigil siya sa pag ha-hummed ng kanyang "I lay my love on you" ng Westlife.

Itinigil mo na niya ang ginagawa saka nilapitan ang cellphone na nag iingay na nasa desk niya kasama ang laptop at bag niya.

Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon