Kabanata 17

300 17 0
                                    

Kabanata 17

"Welcome to Christian World
Yohan Gabriel Bañoc-Recto"

Yan ang bumungad samin ni Hiroki dito sa simbahan, grabe talaga ang Naha, inarkila maging ang simabahan para lang sa binyag ng anak niya. Nakahawak siya sa kamay ni Mr. Right habang siya naman ay seryosong naglalakad. Malikot ang mga mata nito at kung saan saan tumitingin. Gusto na nga niyang tanongin ito kung bakit pero hindi na lang niya ginawa.

Nasa entrada na sila nang simbahan, nakikinita na niya ang mga kaibigan niya. Walang mga partner ito. Bukod sa kanya. We'll except for Pocs. May nabiktima na naman siguro ito dahil may naka angkalang lalaki sa kanya. Kung makahawak kala mo lalayas si Pocs e.

"Girls." masayang wika niya at napatingin naman ang lahat ng kaibigan niya sa kanya nang may tuksong nananaig sa mga mata nito at kumikibot kibot pa ang mga labi. Tinaasan niya lang ng kilay ang mga ito at automatic na plastic na ngumiti.

"Hey Vodj, I miss you." ani ni Jhonelly at yumakap ito sa kanya kaya napabitaw siya kay Mr. Right. "Where have you been?" anito sa malungkot na boses.

"Okay ka lang? Ang arte mo ngayon ah. May pag yakap at I miss you ka pa. Malamang busy ka sa mga films mo at kung ano ano pa kaya hindi tayo nagkikita at busy rin ako sa sariling buhay ko. Alam mo naman, in demand akong tao.Kaya hectic ang schedule ko." mahabang lintaya niya sa kaibigan kaya natawa ang ilan pa.

"Sabi ko nga. Maka inarte lang naman. Akala namin pinagpalit mo na kami kay Mr. Right mo." tinuro pa ng bruhang si Jhonelly si Mr. Right na ngayon ay may nakakalokong ngiti pero nasa malayo ang tingin. Eh? Baliw lang.

"Gaga! Hindi no." automatic na sagot niya at automatic din siyang nabatukan ni Alliah at Rica. "Awww!" napalingon pa si Hiroki sa kanya.

"Nasa simbahan tayo baka nakakalimutan mo." mataray na pagpapaaalala sa kanya ni Alliah na may pag-irap pa.

"Bait." singit ni Ella at Pocs.

"Shhh. Tama na yan. Andiyan na si Naha at Jeous." sabat naman ni Charlene.

Nag-irapan naman kaming lahat sa ere at malawak na ngumiti kay Naha at Jeous na ngayon ay dala-dala na si Yohan.

May binigay naman samin na tig-iisang kandila na kulay puti at may ribbon na color blue. Nang mag simula ang seremonyas ay sinindihan ang kandila habang binibinyagan ang inaanak naming si Yohan na napaka cute at pogi naman talaga. Nang buhusan ito ng holy water sa ulo ay hindi man lang ito umiyak sa halip ngumiti pa ito na akala moy ini enjoy ang holy water na para bang shower. Nang matapos ang seremonyas, kanya kanya naming hinipan ang mga kandila at pinaalala saming itago daw ang mga iyon. Inilagay ni Joana sa pouch niya ang kandila. Ganoon din ang ginawa nang iba pa niyang kaibigan.

Nang may sumenyas na pwede namg mag picture taking kasama ang inaanak namin ay mabilis pa sa alas kwatrong nag unahan ang mga kaibigan naming takas sa mental. Yung tipong mapapaisip ka kung normal pa ba sila o kailangan na i confine sa isang mental care? Kung makagalaw akala mo si flash. Tsk naka dress paman din ang mga ito.

"Aww! Ano ba dahan dahan."

"Urong ka unti!"

"Ang sikip na dito oh!"

"Yung buhok mo Rica!"

"Nakaharang ka Ella."

Bestfriend Series 2: Joana Mae Vodjdani (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon