Chapter 13: Bad People

117 6 0
                                    

John's POV

Nakilala ko na ang dalawa sa mga tumambad sa amin. Sina Bon at Edward.

John: 😱Bon? Edward?

Edward: John?!

Barry: kilala niyo?

Edward: oo.

Agad nilang binaba ang pagkakatutok saamin ng baril. Iniabot saamin ng Lider nila ang kaniyang kamay.

Barry: Gusto kong makipagkamay. Ako si Barry. Nagagalak akong makilala kayo.

Nakipagkamay kami sa kaniya, ngunit pagdating niya kay Gen. Javier, Walang ginawa si Gen. Javier kundi titigan siya na mukhang galit.

Gen. Javier: Ilayo mo sa'kin ang kamay mo.

Barry: Gusto ko lang makipagkaibigan.

Gen. Javier: Kapag 'di mo inalis ang kamay mo sa harapan ko pasasabugin ko yang bungo mo! Naiintindihan mo ba? 😠

Napatango na lang si Barry.

Barry: Pasensiya na sa abala. Aalis na kami ngayon.

Gen. Javier: mabuti pa nga.

Naglakad na silang apat palayo. Pumasok sila sa truck nila at umalis
....
....

Lt. Diaz: Heneral, Gusto lang nilang makipagkaibigan.

Gen. Javier: Kung nakasama mo sila sa prisinto edi masamang tao sila! John, di sila mapupunta sa kulungan kung wala silang nagawang hindi mabuti.

John: Iba ang pagkakakilala ko sa kanila

Gen. Javier: Kahit na, Di ko gusto ang mga pagmumukha nila.

Ian: Huwag na kayong magtalo. Tara magpatuloy na din tayo sa paglalakad.

Medyo nasaktan ako sa mga sinabi ni Gen. Javier dahil parang sinasabi niya na din na masama akong tao. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil ayokong makipagtalo sa isang tao na katulad niya. mukhang ikapapahamak ko lang 'yon.

....
....
....
...

Albert's POV


Habang nagmamaneho, napansin ko na parang may mali.

Albert: Hmm...

Itinigil ko muna sandali ang pagmamaneho.

Faye: Albert, bakit ka tumigil? may problema ba?

Albert: may titignan lang ako.

Lumabas ako sa truck. Kagaya nga ng inaakala ko, flat ang gulong nito.

Albert: Bwiset naman oh!

Sabay sipa ko sa gulong nito. Wala kaming choice. Kailangan naming lahat maglakad. bumaba na nga sina Faye, David at Ellen sa truck. Nagsimula na kaming maglakad, ulit.

Albert: maghanap na lang ulit tayo ng bagong masasakyan.

Ilang minuto pa ay may nadaanan kaming kotse. Sinubukan ko itong buksan, bukas naman ito.

Albert: Sandali, susubukan ko lang kung mapapaandar ko.

David: sige.

....
....
....

BRRRM!!!

Albert: ayos! sige pasok na.

Pumasok na sila at ipinagpatuloy na namin ang paglalakbay.

John's POV


Padaan kami ngayon sa isang tulay. May dalawang zombie ditong naglalakad-lakad.

GRRRR!!!

Tumakbo si Gen. Javier papunta sa dalawang zombie. Pinagpupukpok niya ang dalawang zombie sa ulo gamit ang puwetan ng kaniyang rifle. Napatingin siya sa'min ng may ngiti. Ang weird.

Dahil medyo pagod na din kami, naupo muna kaming lahat sa gilid ng tulay. Nag usap-usap muna kami habang naka tingin sa ilalim ng tulay na pinaguupuan namin.

John: Trevor, matanong ko lang. 'Asan ang nanay ng bata?

Trevor: ... Wala na po siya.

John: Ano ba'ng nangyari?

Trevor: nakagat siya sa braso. Di na namin alam kung ano'ng gagawin. Ilang oras ang nakalipas nanghina siya. Karga ko no'n si Troy. Habang nakahiga siya sa kama kung saan nagpapahinga siya bigla na lang siyang nawalan ng hininga. Nataranta 'ko no'n. Hinawakan ko yung kamay niya, pilit ko siyang ginigising, sinisigaw ko yung pangalan niya. Habang hawak ko yung kamay niya bigla kong naramdaman ang mahigpit na kapit niya sa kamay ko. Akala ko yun na 'yon. pero naging katulad siya ng mga zombies. Hindi ko siya kayang patayin. Iniwan ko siya do'n sa kwarto na 'yon. Iyak ako ng iyak habang tumatakbo palayo karga ang anak ko.

Bigla kaming lahat natahimik.

John: Sorry ah

Trevor: Okay lang po. Nangyari na eh, di ko na mababalik 'yon.

....
....
....

Tumayo na kaming lahat, Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Sana mahanap na namin sina Christina at mama.

Albert's POV

Tumigil muna kami sandali sa paglalakbay. Tumigil kami para kumain muna, lahat kami gutom na gutom na. Habang kumakain ako ng biskwit, nakapatong ang kamay ko sa bintana ng sasakyan. Nakasilip lang ako sa labas ng bintana habang subo ng subo. Tanaw ko ang syudad, mausok na't abandonado. Isang saglit pa ay napatingin ako sa side-mirror ng kotse. Inayos ko ito pero bigla kong nakita ang isang zombie sa side-mirror pagkatapos ko itong ayusin.

AAARGH!!!

Albert: Aaah!!

Agad akong napaurong. Kinabahan naman sina Faye, David at Ellen. Pilit kaming inaabot ng zombie mula sa labas ng bintana.

Grrrr!!!

Kinuha ko ang kutsilyo ko🔪. Bumwelo ako sabay sipa ng malakas sa pintuan ng sasakyan. Bumukas ito kasabay ang pagkatalbo ng zombie. Agad kong hinawakan ang zombie sa leeg at pinagsasaksak ko ang ulo nito.

TSUGK! DZUGK!........

Faye: Albert?

Albert: phew! ayos lang ako.

Faye: bilis pumasok ka na!

Agad naman akong bumalik sa loob ng kotse.

Albert: Nabigla ako do'n!

Ellen: huwag mo nang isipon 'yon.

....
....

Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagmamaneho.
....
....
....
....

makalipas ang halos mga 15 minutes, habang nagmamaneho, biglang may dumaang lalaki sa harap namin. Tumatakbo siya ng mabilis kaya hindi ako agad nakapagpreno. Nabunggo ko ito at natumba siya.

Faye: Albert! nasagasaan mo yung lalaki!

Agad kaming lahat bumaba para tignan ang lagay ng lalaking nabunggo namin.
....
....
....
....

Fear The Walking Dead Ph: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon