Chapter 24: Unconsolable

157 7 2
                                    

John's POV

Nagising na ako at napansin ko na hindi na umuulan. Tumayo ako at pumunta sa bintana para sumilip. Pagtabi ko ng kurtina, maliwanag na sa labas.

Ian: Ano'ng meron?

John: Gising ka na pala. Napansin ko lang, mukhang nakaalis na ang bagyo.

Ian: talaga?

Lumapit din sa bintana si Ian at sumilip.

Ian: Oo nga 'no?

Ginsing na ni Ian  ang iba naming mga kasamahan.

Ian: Gumising na kayo.

Agad naman na gumising sila Jessy, Albert at Alyssa.

Ian: Maya maya lang aalis na tayo. babalik na tayo sa firestation. Siguradong hating gabi na tayo makakabalik do'n.

Bumangon na ang iba naming mga kasamahan.

Makalipas lang ang ilang minuto, lumabas na kami sa lumang bahay. Agad na sinalubong kami ng isang zombie.

AAARGH!!!

Kinuha ko ang kutsilyo ko at pinalusot ko ito mula sa ilalim ng panga ng zombie paitaas.

Tsugk!

Agad naman na natumba ang zombie.
Nang makarating na kami sa firetruck, may mga nakaharang na na mga malalaking sanga ng kahoy sa daraanan namin.

John: Matatagalan tayo nito.

Ian: Kumilos na tayo para matapos na 'to.

Hinila na namin isa-isa ang mga sanga na nakaharang.

....
....
....
....

General Javier's POV

Nakalabas na kaming lahat sa ospital at agad kaming pumasok sa firetruck. Kasama ko sa harapang upuan si Trevor habang ipinabantay niya muna si Troy kay Anna.

Sinimulan ko nang paandarin ang firetruck.

Trevor: General...

Gen. Javier: Bakit?

Trevor: Kasi kanina... Mukhang magkaaway kayo ni David.

Gen. Javier: Pa'no mo naman nasabi?

Trevor: Naririnig namin kanina yung usap niyo dito sa unahan.

Gen. Javier: Narinig niyo?

Trevor: Oo, lahat. Mas mabuti siguro kung huwag mo muna siyang kausapin, bigyan natin siya ng oras. Makakalimutan niya din 'yon.

Gen. Javier: Siguro nga. Alam ko ang pakiramdam ni David. Sobrang sakit din sa'kin nang mawala ang asawa ko. Pa'no pa kaya kay David na sa harap niya mismo nangyari? Ngayon walang makakapag pagaan ng pakiramdam niya. Alam ko.

....
....
....
....

John's POV

Naalis na namin ang mga sanga. Itinabi namin ang mga ito sa daan.

John: Okay.

Sumakay na sa likod ng firetruck sila Albert, Alyssa at Jessy. Kami naman ni Ian sa harapan. Puno ng mga dahon ang upuan namin kaya tinanggal din muna namin ang mga ito.

Sinimulan ng paandarin ni Ian ang firetruck.

....
....
....

Ilang minuto na kaming naglalakbay pabalik. Habang nagmamaneho si Ian, Biglang may malakas na pagputok ang nanggaling sa labas ng firetruck.

Fear The Walking Dead Ph: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon