Christina's POV
Nakasakay kami ni Zach sa kotse kasama si Barry, naglalakbay kami para mahanap ang mga mahal namin sa buhay.Barry: 'di ba kayo galit sa'kin?
Christina: Bakit naman? 😑
Barry: Tinakas namin dati yung truck niyo na may lamang mga pagkain at inumin.
Christina: Dati nagalit kami, pero huwag mo nang alalahanin 'yon. 'andito na tayo sa puntong 'to... sa puntong magkakampi na tayo. 😊
Zach: Ano nga pala'ng nangyari do'n sa dalawa pang lalaki na kasama mo?
Barry: Matalik na kaibigan ko sila. Pero iniwan nila 'ko.
Zach: bakit?
Christina: Ang sama nila. Kung kaibigan dapat walang iwanan.
Barry: Hindi... Kasalanan ko. Ginusto ko na lagi ako yung nasusunod. Hindi ko naisip yung mga gusto din nila. Masyado 'kong makasarili.
Hindi namin alam kung ano'ng sasabihin sa kaniya kaya nanatili na lang kaming tahimik.😶
....
....
....🕣 8:32 pm
🌜Gabi na. Inihinto na ni Barry ang sasakyan.
Barry: Magpahinga na muna tayo. Mahirap nang maghanap kapag madilim. Bukas na lang tayo magpatuloy.
....
Anna's POV
Ako na lang ang gising saamin. Hindi pa 'ko inaantok. Bumaba ako sa main floor at pumunta sa pinagpaparkingan ng mga firetrucks. Binuksan ko ang flashlight at nakita ko si Jessy na nakaupo sa bubong ng isang firetruck.Anna: Jessy?
Jessy: Gising ka pa pala.
Anna: Ano'ng ginagawa mo diyan?
Jessy: Wala, Nag-aabang lang ako sa labas at baka makita ko ang iba kong mga kasamahan.
Umakyat ako at tinabihan ko si Jessy.
Anna: Sino ba sila?
Jessy: Mga kaibigan ko, Sina Bon at Edward... at ang asawa ko... si Barry.
Anna: alam mo itulog mo na pang yan. Makikita mo rin sila balang araw.
Bumaba na ako sa firetruck. Bumalik na ako sa silid namin.
....
....
....
....🕡 6:31 am ⛅
John's POV
Paggising ko ay agad akong bumangon. Sumilip ako sa labas ng bintana at nakita ko si Jessy na nakaupo sa bubong ng firetruck habang nakapatong ang ulo sa kanyang palad. Agad naman akong lumabas.John: Jessy...
Barry's POV
Nagmamaneho ako habang nag-uusap sa likod sina Christina at Zach.Zach: Barry, matanong ko nga pala. Ano ba yung pangalan ng asawa mo? Hindi mo siya sa'min nababanggit.
Barry: Jessy...
Zach: Hayaan mo, mahahanap natin siya.
Barry: Salamat. Hahanapin din natin si John.
BINABASA MO ANG
Fear The Walking Dead Ph: Season 1
TerrorNagkalat na ang virus. Ito na ang simula. nagkagulo na ang mundo napuno na ng mga halimaw na kung tawagin ay "zombie" matapos mangyari ang isang pagkakamali hanggan saan kaya ang aabutin ng ating mga survivors?.. ating tuklasan Season 1 - 30 chap...