Billy's POV
Nakasakay kami ni Brandon sa loob ng kotse at naghahanap kami ng ibang mga survivors.Brandon: Sa'n na tayo ngayon pupunta?
Billy: Sandali... Ang alam ko may malapit lang na subdibisyon dito.
Brandon: Mula dito mga pa'no kalapit?
Billy: hmm... Mga limang kilometro na lang siguro.
Brandon: Siguro nga may mga survivors pa do'n.
Billy: Siguro nga. Sana....
....
....
....
....John's POV
Sobrang nabigla kami nang makita namin ang kagat mula sa likod ni Anna.John: Wala na ba talaga siyang pag-asa?
Gen. Javier: Nakakalungkot man sabihin pero wala na.
John: Ano na'ng gagawin natin niyan?
Gen. Javier: Mamayang hating gabi, oras na posibleng mamatay siya....
Anna: Patayin niyo na 'ko pakiusap!
Gen. Javier: Anna, hindi namin magagawa 'yan.
Anna: Alam ko... pero kailangan niyong gawin please. Para sa'kin. 😢 Hindi ko na kaya. Ayokong maging katulad nila, maging katulad ng mga zombies.
Gen. Javier: Sigurado ka?
Tumango naman si Anna at tumingin sa aming lahat habang umiiyak.
John: Sino'ng gagawa?
Gen. Javier: Ako na'ng gagawa. 😢
John: sige. 😢
Gen. Javier: Pwede bang sa labas na lang muna kayong lahat? Hindi niyo na dapat makita ang mga pangyayari.
Ian: Tara, lumabas na muna tayong lahat.
Lumabas na kaming lahat habang naiwan si General Javier sa loob kasama si Anna.
....
....
....Nakaupo lang kaming lahat sa pabas ng bahay.
John: Hindi ako makapaniwala.
Ian: Ako rin nga eh.
John: Matagal natin siyang nakasama. Tapos ngayon...
BAAANG!!!
Narinig na nga namin ang putok ng baril galing sa loob. Tumayo ako at sumilip sa loob ng bahay. Nakita ko si General Javier na lumabas mula sa kwarto at sinara niya ang pintuan nito.
Naglakad siya papunta sa amin. Hindi parin ako makapaniwala na nangyari to.
Albert: Ano na'ng gagawin natin sa katawan niya?
Gen. Javier: Siguro iwanan na lang muna natin.
John: tara?
Gen. Javier: tara.
Sumakay na kami nila Ian, Albert at Faye sa aming sasakyan at sumakay naman sa truck sila General Javier at ang iba pa naming mga kasamahan.
Ian's POV
Ako na ang nagmaneho ng sasakyan. Paalis na kami. Nasa unahan namin ang truck at nakabuntot kami rito. Habang nagmamaneho, napatingin ako sa labas ng bintana. Muli kong nakita ang ulo na nakatusok sa patulis na kahoy.
BINABASA MO ANG
Fear The Walking Dead Ph: Season 1
HorrorNagkalat na ang virus. Ito na ang simula. nagkagulo na ang mundo napuno na ng mga halimaw na kung tawagin ay "zombie" matapos mangyari ang isang pagkakamali hanggan saan kaya ang aabutin ng ating mga survivors?.. ating tuklasan Season 1 - 30 chap...