John's POVNakasakay kami nila Ian, Faye at Albert sa kotse habang bumabyahe kami patungo sa lugar nila Billy.
Dahil wala akong magawa, kinuha ko ang bag ko at hinanap ang litrato namin ni mama na magkasama. Nang nahanap ko ito, agad ko itong inilabas.
Dahil wala akong litrato ni Christina, Tumingiin ako sa itaas at pumikit. Inisip ko na lang ang kaniyang mukha.
....
....
....
....Several hours later
🕖7:03pmMadilim na. Habang bumabyahe kami, biglang nagkaroon ng problema ang sasakyan nila Brandon at Billy.
Tumigio ang lahat sa pagmamaneho. Lumabas naman sa kotse nila sina Brandon at Billy. Lumabas din si General Javier at tinanong kung ano ang nangyari.
Gen. Javier: Ano'ng nangyari?
Billy: Naubusan kami ng gas.
Gen. Javier: Dito na lang muna kayo sa truck. Ako ang magmamaneho tapos sabihin niyo na lang ang daan.
Billy: Oh sige. Ililipat lang namin yung mga gamit sandali.
Kinuha nila Billy at Brandon ang mga bag nila at dinala nila sa likod ng truck. pagkatapos ay pumunta sila sa tabi ni General Javier at muli kaming nagpatuloy sa pagmamaneho.
Christina's POV
Gabi na at nasaloob na kami ng kaniya-kaniya naming mga tinutuluyan. Mag-isa lang ako sa loob ng bahay. Nakaramdam na ako ng gutom, pumunta ako sa kusina at kumuha ng noodles. Nagsimula na akong mag-init ng tubig.Habang nag-aantay, lumabas muna ako sandali. May mga tao parib sa labas. ang iba naglalakad-lakad lang at may dalawang gwardiya na nakabantay sa gate. Habang nakatayo ako sa labas ng pintuan, biglang may tumamang bola 🔵 sa paa ko. Lumapit sa akin ang isang batang babae at kinuha ang bola. Napansin ko na si Sandra ito.
Sandra: Sorry po ate.
Christina: Ayos lang. Sandali, gabi na ah... ba't naglalaro ka pa dito sa labas?
Bigla ko naman narinig ang sigaw ng mommy niya.
"Sandra! bumalik ka nga rito!"
Sandra: yes po mommy!... sige po ate mauna na po ako.
Christina: sige.
Tumakbo si Sandra papunta sa mommy niya. Nakinig pa ako sa usap nilang dalawa.
"'di ba sabi ko huwag kang naglalaro sa labas ng gan'tobg oras?"
Sandra: Sorry po mommy.
" sige na, pumasok ka na"
Sandra: Mommy, kailan po babalik si Daddy?
".... 😞 Malapit na. Bukas nandito na ang Daddy mo"
Sandra: Mommy lagi mo naman sinasabi 'yan.
" Basta malapit na anak. Tara na pumasok na tayo"
Pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay na tinutuluyan nila. Napansin ko naman na parang may problema ang mommy ni Sandra. Parang nalulungkot siya at may pinagtatakpan
.
Pumasok na rin ako sa loob. Bumalik ako sa kusina at inikagay ko na ang noodles sa pinakulo kong tubig.
....
....
....Barry's POV
Kasama ko si Edward at Bon sa loob ng aming tinutuluyang bahay. Habang natutulog ang dalawa sa loob ng kwarto, pumunta ako sa pangalawang palapag. Lumabas ako mula sa bintana at naupo sa bubong. Ang lawak ng nakikita ko ngunit madilim. Napapaisip ako, 'asan na kaya si Jessy? Kung walang mga puno sa labas at harang, kaya ko kayang matanaw si Jessy mula dito? Sana makita ko na siya ulit.
BINABASA MO ANG
Fear The Walking Dead Ph: Season 1
TerrorNagkalat na ang virus. Ito na ang simula. nagkagulo na ang mundo napuno na ng mga halimaw na kung tawagin ay "zombie" matapos mangyari ang isang pagkakamali hanggan saan kaya ang aabutin ng ating mga survivors?.. ating tuklasan Season 1 - 30 chap...