Chapter 6: Airport

174 8 0
                                    

Habang nakatutok sa'kin ang baril ng dalawa napansin nila na may kasama ako. Agad namang tinutukan ng baril ng lalaki si Anna. Tumayo ako at sabay kami ni Annang tumaas ng kamay.

John: Ano'ng kailangan niyo sa'min?

Babae: Wala, 'di naman kayo nakagat?

John: Hindi naman.

Sabay alis nila ng pagkakatutok sa amin ng baril.

Babae: Mabuti. Ako nga pala si Lieutenant Diaz.

Lalaki: ako si Reyes.

Lt. Diaz: Sumama kayo sa'min.

John: Saan, bakit?

Lt. Diaz: Sa isang airport, dahil malaki ang lugar na 'yon para sa mga tao. kung gusto niyo maging ligtas sasama kayo sa'min. Madaming militar ang poprotekta sa inyo. Ilang araw pa lang ang nakalipas pero madami na kaming nailigtas na sibilyan. Ano, sasama ba kayo o hindi?

John: oo... oo sasama kami.

Reyes: tara na.

Sumunod na kami sa kanilang dalawa papunta sa loob ng chopper🚁. Pinalipad na ni Reyes ang chopper sa himpapawid.

...
...
...
...
...

Ian's POV

Habang naglalakbay, may nadaanan kaming isang tunnel, sobrang dilim. Sa tingin ko aabot ito sa 150 meters.

Ian: Kapit lang kayo lo.

Dumaan kami sa napakadilim na tunnel na 'yon. Paglabas namin ng tunnel ay bumukad sa harapan namin ang sinag ng araw. Tumingin kami sa kanan at 'ayon, nakita na namin ang airport na pinalilibutan ng mga militar.

Arthuro: Magiging ligtas na tayo!

Sinalubong na kami ng mga militar.

Militar#1: Sandali lang. Akin na yang dala mong revolver.🔫

Gustong kunin ng militar ang baril ko.

Ian: ha? bakit? kailangan ko din 'to para protektahan ang sarili ko

Militar#1: Kami na ang bahalang pomrotekta sa inyo kaya akin na yan.

Ian: oh sige.

Kinuha niya na ang baril ko at pinapasok na nila kami.

Arthuro: ba't mo binigay?

Ian: tama naman sila. Mga normal na tao lang tayo, sila ang may responsibilidad na pomrotekta sa ating lahat.

...
...
...
...

Albert's POV


Habang naglalakad kami ni Faye nakaramdam na kami ng sobrang pagkapagod. Hingal na hingal na si Faye habang naglalakad siya.

Faye: *Gasp*..*Gasp*..*Gasp*😥

....

Albert: Faye.. ayos ka lang?

Faye: *Gasp* Ayos *Gasp*.. Lang

Albert: May natitira pa 'kong tubig dito...🍶

Kinuha ko ang natitira kong bote ng tubig at ibinigay ko kay Faye.

Albert: oh inom ka muna.

Faye: salamat.

Kakaunti na lang nga ang tubig na naibigay ko pero nagtira pa siya.

Fear The Walking Dead Ph: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon