Zach's POV
Bumalik kami ni Christina sa puntod ng mama ni John. Umupo si Christina kasabay ng pagtulo ng luha niya.
Christina: *sniff* 😢 Ma, miss na kita, miss ko na rin si John, sobra. 😢 Pero natatakot ako pagnakita ko siya, 'di ko alam ang sasabihin ko at 'di ko alam kung pa'no ko sasabihin.
Sinamahan ko si Christina sa pagupo at dinamayan.
Christina: Sigurado magagalit sa'kin 'yon.😖
Ibinaba ni Christina ang ulo niya at umiyak ng malakas.
Zach: huwag kang matakot, Christina. Ilabas mo lang yan.
Christina: huhuhu!!😭
Nakikinig lang ako sa iyak niya habang tinatapik-tapik ang likod niya. Kitang kita ko ang pagbuhos ng luha niya. Ramdam ko ang lungkot at sakit. Nadala na lamang ako ng pag-iyak niya. Tumingala ako sa kalangitan☁ at tumulo ang luha ko💧.
General Javier's POV
Kasama ko sina Ivan, Jake at Anna na nakaupo lang sa likod ng firestation hanang binabantayan naman nila Trevor si baby Troy. Napag-isipan ka na pumunta sa harapan ng firestation para antayin ang pagdating nila John.
Gen. Javier: pupunta muna ka sa harap. Aantayin ko sa gate sina John.
Ivan: okay, heto yung susi. Kapag dumating na sila pabukas na lang nung gate.
Tumango ako sabay talikod at naglakad. Pagkarating ko sa may gate, may zombing nasa kalsada at naglalakad. Nakasuot ito ng pang militar na damit. Lumabas ako at tinungo ko yung zombie.
Gen. Javier: Aaaah!!
Aaargh!!
Swoosh!
Hinati ko ang ulo ng zombie gamit ang bolo ko. Nang natumba ang zombie ay pinagtatadyakan 👣 ko ang ulo nito hanggang sa mawasak. Nakatayo na lang ako sa harap ng zombie nang narinig ko na ang harurot ng firetruck. Nakarating na sila John.
John's POV
Nakarating na kami sa firestation. Ipinarada na namin ang firetruck sa tabi ng iba pang mga firetrucks. Kanina, napagdesisyonan na namin na isama si Jessy. Ipinangako niya na wala siyang gagawing masama sa aming lahat.
Nakaabang na saamin ang iba naming mga kasamahan. Nabigla ang iba sakanila sa pagbaba ni Jessy.
Faye: 😨 ikaw?!
Ian: Sandali, huminahon lang kayo.
Faye: Albert! Ba't ka pumayag?!
Albert: Faye, wala akong magagawa. Mag-isa na lang siya, iniligtas niya pa ang buhay ko.
Jessy: Sa mga nagawan ko ng pagkakamili, Sana mapatawad niyo ko. Ngayon, ang gusto ko lang ay ang magkaroon ng mga kasama, hindi ako naghahanap ng gulo.
Gen. Javier: 'yang bag mo, ibigay mo muna sa'kin.
Jessy: Sandali, bakit?
Gen. Javier: Kung gusto mong makisama sa'min ipapaubaya mo ang gamit mo samin ng tatlong araw.
Jessy: pero...
Gen. Javier: wala ng pero pero. Ibibigay mo o hindi?
Jessy: Sige ibibigay ko.
BINABASA MO ANG
Fear The Walking Dead Ph: Season 1
Kinh dịNagkalat na ang virus. Ito na ang simula. nagkagulo na ang mundo napuno na ng mga halimaw na kung tawagin ay "zombie" matapos mangyari ang isang pagkakamali hanggan saan kaya ang aabutin ng ating mga survivors?.. ating tuklasan Season 1 - 30 chap...