Albert's POV
Kasama ko sina John at Jessy sa kanang parte ng subdibisyon. Naglilibot kami at isa-isang pinapasok ang mga bahay na nadadaanan namin.
Isang bahay naman ang umagaw ng pansin naming tatlo. Karaniwan sira-sira na ang mga bahay, pero ang isang 'to, Parang bagong gawa. Maayos lahat at malinis tignan ang labas nito. Ang kahoy na bakod nito, walang bakas ng dumi.
John: tara, pasukin na natin.
Albert: tara.
Sinubukan naming itulak ang gate ngunit naka kandado pala ito. 🔒
Jessy: Tabi
Tinutukan ni Jessy ng baril ang kandado ng gate. Agad ko naman siyang pinigilan sa gagawin niya.
Albert: huwag!
Jessy: Bakit?
Albert: Sayang ng bala, at tsaka baka marinig tayo ng mga zombies.
Jessy: Pa'no natin 'to papasukin?
John: Sirain na lang natin ang bakod.
Lumapit si John sa mga bakod at sinipa ito. Natumba ang bakod at nakagawa siya ng daan.
John: tara na. pumasok na tayo.
Nauna na ako at hinawakan ko ang door knob ng pinto. Binuksan ka ang pinto at nakita ko ang itsura sa loob. Sobrang linis. Maayos ang mga gamit sa loob at walang alikabok ang buong bahay.
Albert: Woah!
Jessy: Hindi ako makapaniwalang walang naninirahan dito.
Albert: Ako din nga eh.
John: Maglibot na tayo.
Umakyat si John papunta sa pangalawang palapag at naiwan ako sa ibaba.
May nakita akong isang kwarto na bukas ang pinto. Ang pinto ay may nakalagay na malaking sinyales "♈". Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Pagsilip ko, maayos ang kwarto. Naglakad ako papunta sa loob ng kwarto. Pagpasok ko, may nakita akong lirato ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40's. Nakasulat sa litrato ang pangalan niya "Emanuel". Habang nakatitig ako sa litrato, biglang sumara ang pinto.
🚪💨DOOGSH!!
Agad akong tumalikod at nakita kong nakatutok ng baril sa akin ang isang lalaki. 🔫
Lalaki: Ano'ng ginagawa niyo sa pamamahay ko? Ano'ng kailangan niyo sa'kin?
Ang lalaking 'to, siya yung nasa litrato.
....Emanuel: Tinatanong kita! Ano'ng ginagawa niyo dito?!
Albert: May... may hinahanap lang sana kami at...
Emanuel: Sige na! umalis na kayo dito! sabihan mo yung dalawang kasamahan mo na aalis na kayo. Huwag mong sabihin na may tao rito.
Albert:... uhm... sige.
Nakatutok parin ang baril niya sa akin, binuksan niya ang pinto at tinulak ako palabas.
Emanuel: Alis na!
BINABASA MO ANG
Fear The Walking Dead Ph: Season 1
HororNagkalat na ang virus. Ito na ang simula. nagkagulo na ang mundo napuno na ng mga halimaw na kung tawagin ay "zombie" matapos mangyari ang isang pagkakamali hanggan saan kaya ang aabutin ng ating mga survivors?.. ating tuklasan Season 1 - 30 chap...