Chapter 25: Left Behind

150 5 0
                                    

Barry's POV

....

Kausap ko sila Bon at Edward habang nakaupo kaming lahat sa loob ng kubo.

Barry: Pa'no nangyari?

Edward: Nakagat 'to. Kahit walang kasiguraduhan, pinutol ko parin. Nagbakasakali lang ako. Hindi ko akalaing mabubuhay pa 'ko.

Barry: Eh pa'no kayo napadpad dito?

Edward: Inanyayahan kami.

Bon: siya nga pala, nahanap mo ba si Jessy?

Barry: Kasama ko na sana siya ngayon.

Bon: Ano na'ng plano mo?

Barry: Hahanapin ko parin siya.

Edward: Hindi, Hahanapin NATIN siya.

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Zach: BARRY!

Dumating na sila Zach at Christina. Agad nilang nakita sina Bon at Edward.

Christina: Parang pamilyar kayo.

Edward: Barry, kasama mo sila?

Barry: Oo.

Christina: Sandali, 'di ba kayo yung kasamahan ni Barry.

Bon: Oo.

Barry: Tinulungan nila 'ko. Kahit na pinagnakawan natin sila dati nanguna parin ang lambot ng kanilang mga puso.

Christina: Bati na ba kayo.

Edward: Hindi naman kami naging magkaaway. Hindi mangyayari 'yon.

Sobrang saya ko nang narinig ko ang mga sinabi niya.

....
....
....

Anna's POV

Naglalakad kaming lahat sa kagubatan. Pinapangunahan kami ni General Javier sa aming daraanan. Bigla na lang nagsalita ng mag-isa si David.

David: Mali 'to. Maling-mali!!! 😫

Anna: David, Ano'ng pinagsasabi mo?

David: Hindi niyo ba naiintindihan?! 'yang Heneral niyo! Pinapatay niya tayong lahat!

Napansin namin na palagi na lang si General Javier ang nakikita niya.

David: Hindi niyo ba napapansin? siya ang tumatayong pinuno natin. Siya ang nagdadala sa atin sa kapahamakan. Lahat namamatay dahil sa kaniya! 😬

Gen. Javier: Tumigil ka!!! Bawiin mo ang sinabi mo! 😤

David: Bakit mo diniretso ang truck? 'di ba nga maraming zombies? Eh bakit ka nagpatuloy sa pagmamaneho?! Gusto mo kaming patayin lahat! Hindi ba?!

Gen. Javier: Hindi ko alam na gano'n sila karami... kaya inihinto ko ang truck.

David: Huwag ka ng magsinungaling. Pumunta ka agad sa kakahuyan. Hindi mo man lamang kami tinulungan.

Gen. Javier: Alam ko hindi ko kayo natulungan.... 😞

David: HAYAN!! sige aminin mo! 😬

Gen. Javier: Gusto kong isipin mo David! 'andito ako ngayon. Kasama kayo. Hindi ko magagawang pabayaan kayo. Hindi ako mamamatay tao!

David: Kung gano'n ipaliwanag mo ang...

Fear The Walking Dead Ph: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon